I am standing outside our subdivision at ginigisa ang sarili ko kung bakit ba ako pumayag nang niyaya ako ni Calix kagabi na magkita kami at mag-usap. Gusto ko naman talaga siyang makausap but I didn't expect it to be this soon. Malalim akong napabuntong hininga at napatingin sa mga sasakyan na dumadaan sa harap ko when I felt my phone beeped from my pocket so I took it out and read the message sent to me by Calix. I'm close. Basa ko sa message. Hindi na lang ako nag-reply at tinago na lang ang cellphone ko. Wala akong ideya kung saan kami pupunta, hindi rin namin pinagplanuhan dahil sinagot ko lang siya ng okay and he just told me na susunduin niya ako kaya heto ako ngayon at nag-aabang na dumating siya dahil wala akong sasakyan. Sakto naman na may namataan akong isang sasakyan na unt

