"Nak!" naalimpungatan ako sa malakas ba boses ni Mama na tumatawag sa akin mula sa labas na may kasama pang katok. "Po?" inaantok pa na sagot ko at pupungas-pungas na bumangon. Naabutan ko naman si Mama na sapo ang noo niya habang nakasandal sa hamba ng pinto ko nang tuluyan kong mabuksan ang pinto. "Oh, Ma? anong nangyari sa inyo?" nag-aalalang tanong ko at agad siyang inalalayan paupo sa loob ng kwarto ko. "Hindi ko alam. Bigla na lang sumakit ang ulo ko. Gusto ko sana patignan sa iyo ang blood pressure ko para malaman," nakangiwing sabi ni Mama habang hinihimas ang ulo niya. Agad kong hinalungkay ang lalagyan ng mga gamit ko sa school kabilang na doon ang blood pressure apparatus ko. I placed the cuff on Mama tsaka kinuha ang blood pressure niya. "14/80 ang blood pressure mo Ma! M

