CHAPTER 4

3812 Words
“Good morning, Class!” energetic na bati sa amin ng sa tingin ko ay teacher namin. Or should I call him professor since magco-college na ako? Diba iyon ang tawag nila sa mga teacher nila? Professor? “Good morning, Sir!” masayang bati naman naming lahat. I can’t help but laugh habang nakatingin ako sa mga kaklase ko na halatang excited. New school means new life and new friends. ‘Asus! Pustahan! Ngayon lang iyan sila excited. Kung magsisimula na ang actual class ay for sure lahat kami ay tamad na’ ganoon naman parati eh. Excited lang magsimula ang class kung bago pa lang pero kung matagal na ay gusto na lang matapos. “Wow! I like this energy early in the morning. Shall we begin with introduce yourself?” natawa ang professor naming nang sabay-sabay kaming napabuntong hininga. “Come on, Class! That’s what’s usually done!” naiiling na sabi niya. “Let’s start from the back,” pinal na sabi niya at umupo na sa teacher’s desk niya. Nanlalaki ang matang nagsalubong ang tingin naming dalawa ni Janella. Kami kasi ang nakaupo sa pinaka likod, not to mention na nasa pinakadulo pa. “S-Sir, saan po magsisimula?” Janella pointed on the other end of our line. “There?” sabi niya at tinuro ang sarili niya. “Or here?” The professor smile and pointed at her. Napatakip ako ng bibig nang makita ko na parang pinagbagsakan si Janella nang tinuro siya ng Professor namin. Iyong itsura na literal talaga siyang nanlumo. As in, para siyang kawawa tignan na parang magdadalawang-isip ka kung siya ba talaga ang pauunahin. Mukhang hindi lang naman ako ang nakapansin niyon dahil maging ang iba kong mga kaklase ay natawa rin. “O-Okay po, Sir,” masunuring sabi niya at pumunta na sa harap. I cheered her nang tuluyan na siyang tumayo sa gitna. “Hi, my name is Janella.” Parang tuod na sabi niya. Nakatitig lang naman kami sa kaniya habang hinihintay ang kadugtong ng sinasabi niya pero hindi na siya muling nagsalita. “Okay? Janella, what is your last name?” kalmado na tanong ng professor naming. “Janella Ramos, Sir.” “Alright,” nakangiting sabi ng professor naming at tumango kay Janella nang tinanong siya nito kung pwede na ba siyang umupo ulit. Nangunot ang noo ko habang nakatingin ako kay Janella na naglalakad pabalik sa akin. Hindi ako sigurado pero may hinala ako na meron siyang social anxiety. Okay naman kasi siyang kausap kung kaming dalawa lang tapos ang bibo din niya pero nung nakatayo siya sa harap ng kaklase naming ay parang bigla na lang siyang nagblangko. “Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya nang tuluyan na siyang nakaupo sa tabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang mapansin ko na nanginginig iyon. “Jusme! Ang lamig ng kamay mo!” gulat na sambit ko at sinuri ang palad niya na kakulay na ng papel kaputi. Janella let out a sigh of relief. “Finally!” she said at nakangiting lumingon sa akin. “Ikaw na!” natigilan ako at napatitig sa mga kaklase ko na nakatingin sa akin, maging ang professor naming. I smiled widely at tumayo na papunta sa gitna. I was about to say something nang bigla na lamang akong pigilan ng teacher naming. “Wait! Okay class, tell me your complete name, your previous school, your achievement, favorite color and say UWU once you are done.” Nangunot ang noo ko habang nakatitig ako sa ceiling ng classroom namin at pilit na inaalala ang lahat ng sinabi ni Sir. Sa dami niyon ay complete name lang ang naalala ko. “SIR?!” tili ng mga kaklase ko. “What? Come on guys! Don’t be KJ!” natatawang sabi ni Sir at tinignan ako. “You may begin, Miss?” “Aiko po, Sir. Sir, pwede niyo po bang ulitin ang sinabi niyo kanina?” kakamot-kamot na sabi ko. “Alright, tell me your complete name, your previous school, your achievement, favorite color and say UWU once you are done.” “UWU sir?!” gulat na sambit ko nang ngayon ko lang napagtanto kung ano iyon. “As in UWU with feelings?!” “Yes, Ms. Aiko,” kunyari ang kalmado na sabi ng professor naming pero halata naman sa itsura niya na pinipigilan niya lang ang tawa niya. I bit my lip at humarap na sa mga kaklase ko, hindi pa nga ako nakakapagsimula ay nahihiya na ako sa pinapagawa ni Sir. ‘Ang daya naman! Bakit sa akin lang nagsimula? Parang ako tuloy ang nauna! Hindi naman kasi ito pinagawa kay Janella!’ yamot na sabi ko sa isip. I opened my mouth and was about to say something nang bigla akong maestatwa nang nakita ko ang pamilyar na lalaki na nakaupo sa mismong harap ko. Siya iyong lalaki na nakabunggo ko kahapon malapit sa auditorium! ‘Kaklase ko pala siya?!’. He just took a quick glance at me at tinuon na ulit ang pansin niya sa libro na binabasa niya. “Ms. Aiko, baka pasukan ng langaw iyang bibig mo,” my classmates all laughed. Napapahiyang sinara ko ang bibig ko nang mapagtanto ko kung ano ang ginawa ko. ‘Mygosh! So much for my second day in school!’ I can feel my cheeks heating up dahil sa nakakahiyang tagpo na iyon pero I tried to handle it like a pro. “Sa dami kasi ng pinapasabi mo sir nakalimutan ko agad pangalan ko sa pressure,” natatawang sabi ko. Our professor laughed sabay palakpak at tinuro ako. “I see we have our class joker,” natatawang sabi ng professor naming habang nakatingin sa akin. I forced a laugh nang mapansin ko na lahat sila ay tumatawa maliban na lang kay Mr. Gwapo with brown eyes na nakaupo sa harap ko. I avoided my gaze to him at tumikhim. “Take two tayo,” natatawang sabi ko. “My name is Aiko Reyes, I graduated from Makaganda School and obviously, kitang-kita naman sa itsura ko,” confident na sabi ko at nagpa-cute pa sa mga kaklase ko. Total napahiya na lang rin ako, ituloy ko na lang! “As for achievement? Um. Wala akong maisip,” natatawang sabi ko at napakamot ng ulo. Mas lalo namang natawa ang mga kaklase ko. ‘Gusto ko nang makaalis dito! Mukha na akong tanga!’ “As for favorite color po. Ano lang, kahit ano. Iyon lang po, Sir!” buo ang boses na sabi ko at nagmamadaling bumalik sa upuan ko. ‘Shet! Kaunti na lang! malapit na ako sa upuan ko!’ malakas ang kabog ng dibdib ko at binilisan lalo ang hakbang ko. Akala ko ay tuluyan na akong makakawala mula sa huling pinapagawa ng professor namin. Ganoon na lang ang paninigas ko nang bigla niya akong tawagin. “Ms. Reyes. I think you forgot something?” nakangising tanong ng professor naming. Paningin ko tuloy ay mukha siyang naka-evil laugh. “Sir!” mangiyak-ngiyak na sabi ko. I bit my lip nang mukhang wala talaga akong kawala. Everyone is looking at me while waiting for my response. “U-UWU,” mahinang sabi ko. “With feelings dapat!” narinig kong sabi ng isa kong kaklase na babae na nakaupo sa gitna. ‘Nyeta, kung hindi lang tayo bagong classmates!’ gigil na sabi ko sa isip ko at pilit na ngumiti sa kaniya kahit ang gusto ko lang gawin ngayon ay sakalin siya. “With feelings, Ms. Reyes,” pigil ang tawa na sabi naman ng professor naming. ‘Pwede ba siyang I-report na bullying? Huhu!’ “With feelings, with feelings, with feelings!” sabay-sabay na chant ng mga kaklase ko. Pinatahimik naman sila ni Sir. Huminga ako ng malalim at pumikit. ‘Tandaan mo, Aiko. Napahiya ka na ng isang beses. Lubos-lubusin mo na lang!’ pagpapatatag ko sa sarili ko. “UWU!” malakas na sabi with feelings. Ganoon na lang ang hiya na naramdaman ko nang tumawa ang lahat ng mga kaklase ko maliban na lang syempre sa isa kong kaklase na as usual ay wala pa ring pakealam sa aming lahat na nagsasaya. Umupo ako sa upuan ko at tinakpan ang mukha ko. “Good job, Sis!” narinig kong sabi ni Janella sa tabi ko at hinimas ang likod ko. “Janella!” mangiyak-ngiyak na sabi ko at humarap sa kaniya. “Ang pagkatao ko. Ang dignidad ko. Lahat wala na!” sabi ko at pumalahaw na ng iyak. “Shh! Shh! Wag ka nang umiyak,” natatawang sabi niya. “Ang daya naman! Bakit sa akin nagsimula?!” nanghahaba ang ngusong sabi ko. Janella looked at me with guilt visible on her face. “Sorry. I have social anxiety kasi,” nahihiyang sabi niya habang minamamasahe ang kamay niya na ngayon ay bumalik na ang kulay. ‘Tama pala ako’ I thought habang nakatitig sa kaniya. Nakaramdam naman ako ng guilt nang makita na she really look sorry. “Baliw! Okay lang!” natatawang sabi ko at binunggo ang balikat ko sa kaniya. “Saan tayo mamaya?” pag-iiba ko ng pinag-uusapan naming. Buong pagkakataon na nag-introduce yourself ang mga kaklase naming ay busy naman kami ni Janella na nag-uusap. Tsaka lang naagaw ang atensyon ko nang iyong gwapong lalaki na kaklase ko na ang tumayo. “Uy! Diba siya iyong lalaki na napopo-“ hindi na natuloy ni Janella ang sinasabi niya nang mabilis kong tinakpan ang bibig niya. “Kung gusto mong makalabas dito ng buhay, mananahimik ka!” banta ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Nahihintakutang tumango naman siya. “Promise? Mananahimik ka?” kinakabahang paninigurado ko. Janella nodded her head so I slowly let go of our mouth. “DIBA SIYA IYONG NAPOPO-ASHIKLD” nagulat ang lahat ng kakalase naming nang mabilis kong nilagay sa bunganga ni Janella ang panyo na hawak ko. Wala na kasi akong maisip na paraan para mapatahimik siya. Tsaka, para na rin matuto siya. “Hehe! Sorry, Sir!” pa-cute na sabi ko nang mapunta ang atensyon ng professor naming sa amin. Napayuko ako nang mapansin ko na maging ang gwapo naming kaklase ay nakatingin din sa akin. “Listen to your classmate,” naiiling na sabi ni Sir. Mabuti na lang at tinakpan ko ang bibig ni Janella kaya hindi niya kita ang panyo sa loob ng bibig nito. “aghuissdhuisw!” hindi ko maintindihan na sabi ni Janella habang pilit na inaalis ang kamay ko sa mukha niya. Nahintakutan ako nang mapansin ko na namumula na siya. “Hala! sorry!” tarantang sabi ko at binitawan ang bibig niya. Janella coughed and pounded her chest. “Ikaw naman kasi eh!” naiiling na sabi ko at napapalatak pa. “Joke lang naman iyon! Hindi ko naman talaga sasabihin! Grabe ka, hindi ko alam na ready ka na palang pumatay!” naiiling na sabi ni Janella. “Ay, grabe siya!” nakangiwing sabi ko. Naputol ang pagdedebate naming nang malakas na tumikhim ang kaklase naming na gwapo sa harap dahilan para makuha niya ang atensyon naming. He looked at everyone with his cold gaze before he spoke. “My name Luke Bautista,” tipid na sabi niya at umupo na ulit sa upuan niya. We all were too dumbfounded to speak. Lahat tuloy kami ay napatinging sa teacher naming and waited for him to force Luke to complete what was asked for him to say pero tumikhim lang siya sabay sabi ng “Alright, next!” Hindi makapaniwalang napailing ako habang nakatingin sa likod ni Luke. Ngayon lang ako nakakita ng professor na tiklop sa estudyante niya. Siguro maging si Sir ay nakaramdam ng intimidation sa kaniya. The activity went on until everyone was done. “Alright class, I think that will be all for today since your classes is still being finalize,” we all howled in happiness nang narinig namin na wala na kaming pasok. “For the meantime, enjoy the remaining time you have before your actual class begins. Formal classes will begin tomorrow. See you, Class!” paalam sa amin ng professor naming at mabilis nang lumabas ng classroom naming. Agad naman kaming lahat na nagpulasan at lumabas ng classroom. “Saan tayo?” excited na tanong ko kay Janella nang tuluyan na kaming makalabas. “Hmm. You want to eat?” suhestyon niya sa akin. “Saan?” kunot-noong tanong ko. Suddenly, a bright idea came inside my mind. Natigilan ako at unti-unting hinarap si Janella who have the same look on her face. Mukhang hindi lang naman ako ang nakaisip niyon dahil sa itsura pa lang ni Janella ay alam ko na pareho ang iniisip naming dalawa. “SAMNGYUPSAL!” “SAMNGYUPSAL!” sabay naming sigaw sa isa’t-isa. Nag-apir kaming dalawa nang pareho kami ng naisip. “Tara!” excited na yaya ko at maglalakad na sana papunta sa direksyon ng gate nang bigla na lamang akong hilahin ni Janella. “Saan ka pupunta?” takang tanong niya. “Sa gate?” hindi sigurado na sagot ko at tinuro pa iyon. “Bakit ka diyan pupunta?” nadagdagan tuloy ang pagtataka ko dahil sa tanong ni Janella. “Sis, pano tayo lalabas ng school kung hindi tayo dadaan sa gate?!” hindi makapaniwalang sagot ko sa kaniya. “Oh, I forgot I haven’t told you yet. I have a car so we’ll go to the parking lot!” sabi niya at hinila ako. Tumikwas naman ang kilay ko sa narinig. ‘Kung tama ang pag-calculate ko ay 17 pa lang kami pareho ngayong taon. Maliban na lang kung January-May ang birthday niya.’ “May sasakyan ka? Nakaka-drive ka na?!” amazed na tanong ko. Janella grinned at me. “Well, wala pa akong lisensya. But, I always have the driver with me para in case na may traffic enforcer ay magpapalit kami ng pwesto,” kibit balikat na kwento niya habang hila pa rin ako. ‘Wow!’ I said to myself habang nakatingin sa likod niya. Sabagay, sa tingin pa lang ay halata nang bigatin talaga itong si Janella. “Wait, pwede ba tayong pumunta muna ng CR?” tanong niya nang madaanan naming ang banyo. “Okay! Dito lang ako sa labas. Sakin na bag mo para hindi ka na mahirapan,” offer ko sa kaniya. “Okay. Thank you!” tumalikod na ako nang tuluyan nang pumasok si Janella sa loob ng banyo. Nandito kami ngayon sa hallway ng ibang department. Hindi ko lang alam kung ano dahil hindi ko pa naman nalilibot ang buong school. Basta ang alam ko lang ang malaking building naming ay para lang sa lahat ng senior high school. Ilang minuto na akong naghihintay kay Janella sa labas nang bigla ay may marinig ako na pamilyar na boses na kumakanta. Sobrang ganda niyon at lamyos na hindi ko tuloy maiwasang ma-curious. Takang sinundan ko kung saan nanggagaling ang boses at narinig na nagmumula iyon sa isang room sa dulo ng corridor. Now Playing: Happiness by Bellie Eilish “You called me again, drunk in your Benz Driving home under the influence You scared me to death, but I'm wasting my breath 'Cause you only listen to your f*****g friends” Hindi ko maintindihan kung bakit lumalakas ang t***k ng puso ko sa bawat hakbang na tinatahak ko palapit sa kwarto na iyon kung saan nanggagaling ang boses ng kumakanta. Sa isip ko ay alam ko na kung sino iyon pero gusto ko lang makita at makumpirma ang hinala ko. I looked at the one-way mirror type of window of the classroom at nakita ang pamilyar na mukha nung lalaki na vocalista noong banda na tumugtog kahapon. Pareho kasi ang bintana niyon sa amin. Iyong makikita mo kung sino at kung ano ang ginagawa ng mga tao sa loob pero hindi ka nila makikita sa labas. “I don't relate to you I don't relate to you, no 'Cause I'd never treat me this shitty You make me hate this city” Patuloy niya sa pagkanta. Para namang sumakit ang puso ko habang nakikinig sa kaniya. Puno kasi iyon ng feelings kaya ramdam na ramdam ko rin ang pait at sakit niyon. “Aiko!” napapitlag ako nang bigla na lamang tinawag ni Janella ang pangalan ko na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko at nakikisilip din sa sinisilip ko. “Janella naman! Huwag ka namang manggulat!” sapo ang dibdib na sabi ko at tinignan ang lalaki sa loob. Natigilan ako nang bigla na lamang magtama ang tingin naming dalawa. ‘Is he looking at me? Nakikita niya ba kami mula sa loob?!’ kabadong tanong ko sa sarili ko. Nakahinga ako ng maluwag nang parang walang nangyari na iniwas niya lang ang tingin niya sa amin at patuloy lang na kumanta. ‘Mabuti na lang. Kung hindi ay nakakahiya talaga kung nahuli niya kaming sinisilip siya’ I thought to myself. “Asus! Ikaw ah! Si Aiko! Maninilip!” natatawang kantyaw sa akin ni Janella. Inirapan ko na lamang siya at marahas na binalik sa kaniya ang bag niya. “Ewan ko sa iyo! Bakit ba ang tagal mo? ilang galloon ba ang inihi mo?!” gigil na tanong ko para pagtakpan ang kahihiyang nararamdaman ko na nahuli akong sinisilip ang lalaki sa loob. ‘Hindi naman siguro kasalanan ang ginawa ko no? Isa lang rin naman akong marupok na babae na nahumaling sa magandang boses ng lalaki na iyon.’ “Sorry! Wala kasing flush so I had to improvise. Anyway, are you good? Tapos ka nang manilip?” ayaw paawat pa rin na sabi niya. “Alam mo, mariit talaga iyang bibig mo. Huwag mo nang buksan ha?!” naiiling na sabi ko at kusa na siyang hinila. “Tara na nga! Gutom na ako?!” kunyari ay iritadong sabi ko. “Alright! Alright!” natatawang sabi naman ni Janella na sumunod na sa akin. We both went to the mall and as planned ay kumain kami ng samngyupsal. We were planning to watch a movie pagkatapos naming kumain nang bigla na lang may tumawag sa kaniya. “Hello, Mom?” sagot ni Janella sa tumutunog niyang cellpone. Nakatingin lang ako sa kaniya at pinapanood ang pag-iba ng emosyon sa itsura niya. My eyebrows furrowed nang nag-aalala akong tinapunan ng tingin ni Janella. “Bakit?” mahinang bulong ko sa kaniya. “Alright, Mom. Okay po. Bye, I’ll see you!” sabi niya at tuluyan nang pinutol ang tawag. “Sis! I am so sorry!” mangiyak-ngiyak na sabi niya. “Bakit? Anong nangyari?” naguguluhan na tanong ko. “Mom wanted me to pick her up dahil nasira daw ang sasakyan na gamit niya,” malumanay na sabi niya habang nakatingin sa ticket na kakabili lang naming dalawa. Kahit ako ay nakaramdam din ng panghihina nang marinig ang sinabi niya. I smiled at her at pabirong hinampas ang balikat niya. “Baliw! Akala ko naman kung ano na ang nangyari! Ayos lang! huwag ka nang magdrama diyan!” natatawang sabi ko. Janella looked at me who still looked so sorry. “Baka galit ka? Sorry!” parang bati na sabi niya. Umiling ako sa kaniya. “Nope! Naiintindihan ko. Tsaka, unexpected naman ang nangyari. Huwag kang mag-alala sa akin, okay lang ako!” pag-assure ko sa kaniya at malapad siyang nginitian. Janella smiled to me, sunod ay sa ticket na hawak ko. “Paano iyan?” I chuckled nang may maisip ko. “Panonoorin ko pa rin. Sayang naman, papamigay ko na lang iyong sayo if okay lang.” “Sure ka? Manonood ka na mag-isa?!” gulat na sabi niya. “Oo. Wala namang masama doon. Naranasan ko na rin naman. Anyway, umalis ka na! baka hinihintay ka ni Mommy mo!” paalala ko sa kaniya at mahina siyang tinulak papunta sa direksyon ng parking lot. “Sure ka talaga?” ayaw paawat pa rin na sabi niya. “Oo nga! Umalis ka na! chupi!” pagtataboy ko sa kaniya. Janella smiled widely at me. “Babawi ako sa iyo!” sabi niya at nagmamadaling tumakbo na palabas ng mall. I let out a heavy sigh nang maiwan akong mag-isa. Tinignan ko ang ticket na hawak ko at ang mga tao sa paligid ko. Nahihiya naman ako na basta na lang ipamigay ko sa kung kani-kanino. “Okay, operation: hanap ng pagbibigyan!” I said to myself at nagsimula nang maglibot sa mall while looking for a person or people na pwede kong bigyan ng ticket. Naghahanap ako ng taong mag-isa lang pero mukhang lahat ng mga tao ay may kasama. “UY!” excited na bulalas ko nang madaanan ko ang national book store at nakita na maraming mga bagong pocket books doon. Parang binaliktad ang sikmura ko sa sobrang excitement na agad akong pumasok sa loob ng national book store kahit wala na akong natirang pera dahil naubos ko nang gastusin sa samngyupsal at movie ticket. Hindi ko alam kung ilang minute ang tinagal ko sa loob ng national book store. Basta talaga kaharap ko ang pocket book ay parang doon na umiikot ang mundo ko na nawawalan na ako ng pakealam sa paligid. “Hayy. Ang ganda pa naman ng story,” nanlulumong sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa limang pocket books na hawak ko. Kaka-release lang pala ng bagong libro sa series ng favorite author ko. I smiled widely nang biglang umilaw ang bumbilya sa isip ko. Dali-dali kong kinuha ang phone ko at inalis ang case niyon. Dumoble ang lapad ng ngiti ko nang makita ko doon ang 500 na nakuha ko mula sa pagkanta ko sa fiesta nina Tita. ‘Eto na ngaba ang sinasabi ko na okay lang mapahiya eh’ nakangising sabi ko sa sarili ko at niyakap ang pocket books na hawak ko. Masayang tumalikod na ako para sana tumungo sa counter at bilhin ang mga libro nang bigla na lamang akong may mabunggo, nahulog tuloy ang mga hawak ko na pocket books. “Hala! sorry!” natatarantang sabi ko yumukod para pulutin ang libro na hawak ng nakabunggo ko. “Heto oh,” sabi ko at nagtaas ng tingin. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking kaharap ko ngayon. “Luke?!” malakas na bulalas ko nang makilala siya. Luke didn’t say anything, he was just looking down. Takang sinundan ko ang tinitignan niya at nakita ang mga pocket book ko na nagkalat sa sahig. Nag-init ang pisngi ko sa pagkapahiya nang mapagtanto ko ang cover photo ng isang pocket book. Picture iyon ni Nina Dobrev at Ian somerhalder na half naked tapos ang title pa niyon ay ‘Pay me and I’m yours’ ‘OH MY GOSH! ANONG GAGAWIN KO?! -- ✘ R E A D ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD