"s**t! s**t! s**t!" malutong na mura ko habang hinuhukay ang sangkatutak na mga damit ko na nagkalat sa harap ko. Pati ang mga damit na napasok ko na sa loob ng luggage ko ay nagulo na rin dahil lang sa hindi pa rin ako makahanap ng magandang damit na susuotin ngayon. "Bakit ba kasi kung kelana ko nagmamadali doon ako hindi makapaghanap ng magandang damit!" gigil na sabi ko at ginulo ang buhok ko. Halos wala na akong tulog dahil anong oras na na-confirm ang alis namin kagabi pagkatapos ay agad na akong naghanda ng mga gamit ko. Hindi naman ako usually maarte pero kagabi ay nakaramdam lang ako ng urge na maging extra sa alis namin ni Luke kaya mga bonggang dami talaga ang pinili ko. Halos 3 am na ako natapos kakaayos tapos nung papatulog na ako ay hindi naman ako makaramdam ng antok dahil

