Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa harap ng bahay ni Calix dala ang pinamili kong cake at regalo sa kaniya. Hindi ko alam kung masosorpresa ba siya na nandito ako ngayon. Kinakabahan rin ako sa magiging reaction niya. "Bahala na," mahinang sabi ko at muling humugot ng malalim na hininga bago lumapit sa mismong gate nila. Pinindot ko na ang door bell nila bago pa man ako magdalawang isip. Hindi naman nagtagal at namataan ko ang Mama ni Calix na sumilip mula sa loob. "Good morning po, Tita!" agad siyang napangiti nang makita ako. "Aiko, ikaw pala!" masayang sabi niya at agad na lumapit sa gate at binuksan iyon. "Bakit ka naparito? hindi ba kayo nag-uusap ni Calix?" tanong niya na ikinataka ko. "Wala po ba dito si Calix?" tanong ko at sumilip sa loob ng bahaya nila. "Ay nako. Mero

