Mapait akong napangiti sa sarili ko nang mapansin ko ang uri ng mga tingin ng ilang schoolmates namin sa akin. “Don’t mind them,” malamig na sabi ni Janella na nilalabanan ng masamang tingin ang mga taong nakatingin sa akin. Kasalukuyan kami ngayong naglalakad papasok ng eskwelahan. Sinadya kasi niyang sunduin ako sa mismong bahay naming dahil baka raw mawalan ako ng gana na pumasok. ‘Well, partly tama naman siya.’ Pagkatapos kasi ng lahat ng nangyari ay feeling ko wala na akong mukhang ipapakita sa lahat. Lalo na sa dalawang lalaki na nandoon sa notebook ko. “Hirap talaga sa ibang tao na manahimik. Kakasabi lang kahapon na sa atin lang ang katotohanan ngayon alam na ng lahat,” gigil na sabi ni Janella. Pagkatapos ko kasing mawalan ng malay kahapon ay kinausap sila ng teacher naming na

