- RITA - Ang tagal naman ng babaeng iyon sa kuwarto ni Marco. Napapangatngat ako sa daliri ko dahil sa kaba. Hindi dahil sa biglaang pagbisita ng magulang ni Marco. Kung 'di sa babaeng nasa loob ng kuwarto niya. Mabuti na lang at maaga ako nagising at nakapag-asikaso dahil sakto na maaga dumalaw ang mga magulang niya. Hindi alam ni papa ang pagbisita ng amo niya pero hindi na siya nagulat sa nangyari dahil madalas naman daw talaga pumunta ang mga ito nang walang pasabi. Eh mabuti na nga lang talaga at maaga ako nagising. Alas-sais pa lang ay mulat na ako. Katatapos ko lang din mag-almusal. Pareho pang natutulog sina Kuya Edmund at Marco. Naipakilala naman ako ni papa sa mga amo niya. Alam na rin naman ng mga ito dati pa na nandito ako. Ang pagkakaalam nila ay nandito ako para maging k

