3 ❤️

1364 Words
-MARCO- I immediately shook my head to erase those unnecessary thoughts on mind. Lumakad na ako pabalik sa kuwarto ko bago pa ako makapag-isip ng hindi maganda. Patamad akong humiga at tumitig sa kisame. Ano na kaya ang ginagawa ni Hyacinth? Tutuloy pa rin kaya sila ni Edmund sa Singapore kahit wala ako? Kinuha ko ang aking cellphone sa bedside table and I dialled Hyacinth's number but cannot be reached. Bumangon ako at naghanap ng magandang puwesto sa bahay para makasagap ng signal. Tumungo ako sa sliding door at binuksan iyon. Sa labas noon ay ang veranda. Mula sa veranda na nasa kuwarto ko ay tanaw ko ang malawak at magandang dagat. Sila papa at mama ang pumili ng lugar na ito. Pangarap kasi nila na magkaroon ng bahay-bakasyunan na malapit sa beach at hindi naman sila nabigo dahil sampung taon na rin ang nakararaan nang maitayo itong bahay. Maganda sa pakiramdam na manirahan dito dahil sobrang tahimik at payapa ang lugar na ito. Pero hindi ito ang lugar na gusto ko tirhan sa matagal na pahanon. Sapat na ang isang linggong bakasyon dito, pero iyong sosobra pa sa isang lingo, aba'y sobra na. Sobrang boring kaya rito! Sinubukan ko ulit tawagan si Hyacinth at hindi ako nabigo dahil narinig ko na rin sa wakas na nag-ring ito. Ngunit lumipas na ang 20 to 30 seconds ay walang Hyacinth na sumagot ng tawag ko. Tinawagan ko na yata siya ng sampung beses pero wala talaga. Sinubukan kong tawagan si Edmund kaya lang ganoon din ang nangyari, wala rin sumagot. Kung saan naman nakasagap na ako ng signal at nagkaroon ng pagkakataon na matawagan sila, saka naman nabulilyaso na makausap sila. Pareho ba silang busy para hindi sagutin ang tawag ko? Nakakainis! Pinasok ko na lamang sa bulsa ng short ko ang cellphone at lumapit sa hamba ng veranda at pumikit. I spread my arms in the air and took a deep breath of the cold and fresh air from the beach. "Pssssst!" Dinilat ko ang aking mata at hinanap kung saan nanggaling ang sitsit na iyon. "Pssst! Dito sa baba." Sumilip ako sa baba at nakita ko mula roon ang babaeng madungis─kanina, pero ngayon ay malinis na siya sa suot na round neck t-shirt at short. FYI, t-shirt at boxer short ko ang suot niya. Oo, boxer short pero bumagay naman sa kaniya ang short ko. Hindi siya malaswa tingnan. Sakto lang sa katawan niya na slim. Iyong t-shirt lang ang maluwang sa kaniya pero bagay naman. "Bakit?!" I asked. "Salamat!" She shouted. Isang salita pero tagos sa puso. Masaya ako na makita siyang nakangiti. Mas bagay sa kaniya ang aura niya ngayon, mas lalo siyang gumanda. "Para saan?!" Kunyari ay wala akong alam sa sinasabi niya. Pero alam ko na kung para saan ang thank you niya. Gusto ko lang marinig ng personal ang dahilan ng pasasalamat niya. "Dahil sa kabutihan mo, nakita ko na rin si Papa!" Hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko. Bihira ko marinig ang salitang "Salamat." Mostly naririnig ko iyan sa mga kaibigan or kaklase na natutulungan ko, but never from my parents. "Ayoko ng salamat!" I teased. Bigla naman nawala ang ngiti niya sa sinagot ko. "Ayaw mo ng salamat?! Eh ano ang gusto mo?!" Nag-isip naman ako ng isasagot sa tanong niya. "Talaga bang sincere ka sa pasasalamat mo sa akin?!" Hinawakan niya ang kaniyang batok at muling nagsalita. "Oo naman! Ikaw ang naging susi para matagpuan ko si Papa! Kung hindi dahil sa malasakit mo, hindi kami magkikita! Kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ko sa iyo!" "Kung ganoon, gusto kong tulungan mo ako kapalit ng pasasalamat mo!" "Sige, kung kaya ko naman ay tutulungan kita! Ano ba iyon?!" Patuloy pa rin siyang nakaalalay sa batok niya. Mukhang nangangalay na ito dahil sa pagtingala sa akin mula sa veranda. "Sige, hintayin mo ako riyan! Nang hindi tayo nagsisigawan dahil sa layo natin sa isa't-isa." Nagmadali akong makababa hanggang sa narating ko na ang kinatatayuan niya. Natigilan pa ako dahil naabutan ko siyang nakapikit habang nakayakap sa sarili niyang katawan. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na mapagmasdan nang malapitan ang kaniyang ganda. Wow! Talagang nagagandahan ako sa isang Badjao?! Parang hindi ko yata mapaniwalaan ang sarili ko na sanay makakita ng magaganda sa Maynila. Saka ko nalaman nang malapitan na makinis pala ang mukha niya. Maganda ang kulay niya na morena, maganda rin ang hugis ng kaniyang ilong at mukha. Napailing na lang ako sa naiisip. Wala pang tatlong oras ko siyang nakakasama pero ang dami ko ng naobserbahan sa kaniya. "Hey," pang-iistorbo ko sa kaniya. Dumilat naman siya at tumingin sa akin. Iyon na naman ang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag kanina pa. Ewan ko, sinasapian na yata ako ng momo. Yay, takot ako sa momo thing na iyan. Huwag naman. "Uy." "So, handa ka ba na tulungan ako?" "Kung kaya ko naman, bakit hindi? Basta 'wag lang ang pagtutulak ng droga, iyong hindi masama. Ano ba ang maitutulong ko?" "Droga pa talaga ah. Hindi ito masama. I'm very sure of that. Simple lang naman ang gagawin mo eh." "Ano naman iyong simple na gagawin ko?" Inipon ko muna lahat ng lakas ko bago sabihin sa kaniya ang nais kong mangyari. "I need to escape." "A-ano? Kape?" Napahilamos ako sa mukha bago siya hinarap ulit. Seryoso akong tumingin sa kaniya, gayundin naman siya. "Hindi kape. Ang sabi ko kailangan ko makatakas." "Makatakas?! Bakit? Preso ka ba?" Okay, she's cute but, ah, never mind. ***** "Deal?" I asked. "Or no deal?" But she just answered me with question. "This is not the Deal or No Deal gameshow. I'm asking if you're in. I badly needed you because you're the only one who can help me to make my escape easier," I explained. "Teka, hinay-hinay lang. Puwede bang paki-tagalog? Pinapahirapan mo lang ako sa mga sinasabi mo eh." I know that she's trying her best to understand what I've said but in the end, I just made her more confused. "Oh, I'm sorry,'' I apologized. ''Ah, okay, ulitin ko huh. Tutulungan mo ba ako na makatakas dito sa beach house, kapalit ng pagtulong ko sa iyo kanina? Oo o hindi." "Ang kailangan ko lang gawin ay gisingin ka ng maaga at ilayo si Papa sa iyo?" She clarified. "Oo, tama. Kailangan ay gisingin mo ako ng 4am, much better kung 3am para sigurado. Then, kailangan ay mag-ingat ka sa kilos mo. Huwag mong hayaan na makalabas ng kuwarto ang Papa mo. Understand?" "Hindi mo ba kayang gumising ng maaga? Kayang-kaya mo naman tumakas kung gugustuhin mo eh," she protested. "Akala ko ba tutulungan mo ako? Tandaan mo, tinulungan kita kanina kaya nandito ka ngayon sa amin, tapos nakita mo pa ang Papa mo. Madali lang naman ang hinihingi kong tulong sa iyo eh," I replied. "Oh sige na nga. Baka sabihin mo ay wala akong utang-na-loob eh. Sige, gigisingin kita ng 3am kung gusto mo talaga ng maaga. Ituro mo na lang sa akin kung saan ang kuwarto mo." Para akong nakakita ng bagong liwanag sa sinagot niya, "Oh right! That's my girl!" "Teka, ano ba ang pangalan mo?" She asked and I blinked. Oo nga naman, hindi ko pa pala naipapakilala ang sarili ko. "Oh yes! I almost forgot to introduce myself. Buti na lang at naalala mo. Hi, I'm Marco and you're Rita." "Oh, paano mo nalaman ang pangalan ko?" "Iyon ang tinawag sa iyo ng Papa mo kanina eh." "Ah, oo. Ako si Rita at ikaw si Kuya Marco." "Bakit Kuya? Parang dalawang taon lang ang tanda ko sa iyo ah." "Oh, paano mo na naman nalaman ang edad ko?" "Eh 'di, sinabi rin ng Papa mo. Ang dami mo naman tanong." "Ibig sabihin, 19 ka na?" "Oo, kaya 'wag mo na akong tawaging kuya kasi hindi kita kapatid." "Ang salbahe naman nito. Basta, Kuya Marco pa rin ang itatawag ko sa iyo. Mas matanda ka pa rin sa akin eh." "Oh siya, oh siya, if that's what you want, hindi na ako magrereklamo. Basta iyong usapan natin huh. Tara na, samahan kita sa kuwarto ko para alam mo kung saan mo ako pupuntahan. Tapos matulog na tayo para maaga tayo magising."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD