27 ❤️

2041 Words

- RITA - May ilang oras na akong gising pero nanatili pa rin akong nakahiga sa kama. Wala pa ako sa mood bumangon. Pakiramdam ko, ang bigat ng katawan at ulo ko. Gusto ko pa sanang umidlip pero gising na gising naman ang diwa ko. Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si papa. "Oh, gising ka na pala. Ba't 'di ka pa bumangon nang makapag-almusal na." "Tapos na ba silang kumain, Pa?" Binuksan ni papa ang drawer at naglabas siya ng short maong at maluwang na tshirt. Mukhang maliligo na ang papa ko. "Sino?" "Naman, Pa. Eh 'di sila Marco, Kuya Edmund at Kisses." "Marco talaga, anak?" Naaasar na bumangon ako. Tinupi ko ang kumot na ginamit ko at nilagay ito sa ilalim ng unan. "Tapos na mag-almusal sina Edmund at Kisses. Si Marco na lang ang hindi pa. Tamang-tama at puntahan mo na iyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD