"Animal na lalaking yon, ang sarap nilang pagbuhul-buhulin ng kanyang nobya nakakagil." Sambit ko habang pa lakad-lakad ako dito sa loob ng silid. "Nakakainis!" Sigaw ko habang nagpapadyak ako sa subrang inis ko kay Brandon, At sa nobya nitong Maldeta. "Ano'ng Nangyayari sa'yo babae at nagpapadyak ka dyan?" Tano'ng ni Brandon, Kaya bigla akong napalingon sa lalaki, nagtataka ako kung bakit hindi ko man lang narinig na bumukas ang pinto ng silid. Saan kaya dumaan ang kumag na ito? Bulong ko. "Hoy! Lalaki saan ka dumaan at bakit hindi ko narinig na bumukas ang pinto?" Tano'ng ko habang nakasimangot akong nakaharap sa lalaki. "Saan pa ba ako dapat dumaan babae? May nakikita ka bang ibang pinto bukod sa pintuan ng silid na ito?". Masungit na sagot naman ng lalaki sa akin. " Kung g

