Skyla’s POV Alas tres na ng madaling-araw nang madala rito sa may gilid ng simbahay ng Maanghang town ang labi ni Lele. Dito kasi sa Maanghang town church, may paupahang burulan ng mga patay. Limang libong piso ang renta sa isang araw, aircon na ang buong loob, tapos may two room at two comport room na rin kaya puwede na. Hindi kasi puwedeng paglamayan si Lele sa farm at maliit lang ang kubo doon nila Lola Igna at Lucio. Nakatanaw ako kay Lulu na nakaupo sa tabi ng kabaong ni Lele. Tulala na siya ngayon at mugtong-mugto ang mata. Inaaya na namin siyang matulog pero ayaw pa niya kaya si Lucio na lang ang inaya ko sa loob ng isang kuwarto dahil inaantok na rin ako. May mga kasama na rin naman dito si Lulu—ang mga staff nila Lucio sa farm kaya puwede na muna silang iwanan. Pumasok na kami

