Chapter 4

1314 Words
Lucio’s POV Nasa tapat ako ng bahay kubo ni Mia ngayon. Nasa itaas ako ng puno para magtago. Bago ko siya tuluyang hiwalayan ay gusto ko munang alamin kung sino ba ang lalaking pinaggagastusan niya ngayon at ang lalaking gusto niyang ipalit sa ‘kin. Tama nga ang dinig ko sa kaniya sa ilang babae na madalas pumunta sa farm namin. Akala ko gusto lang siyang siraan ng mga ‘to para hiwalayan ko siya, ‘yun pala ay totoo ang mga chismis. “Nanay, mauna na po ako, ha! Baka naghihintay na po siya sa ‘kin,” dinig kong sabi ni Mia sa ina niya habang nasa loob pa ‘to ng bahay kubo nila. Napangisi ako dahil mukhang magkikita na naman sila ng lalaki. Sana mali ako. Sana trabaho ang pupuntahan niya ngayon para kahit pa paano ay may chance pa rin na ‘di ko siya hiwalayan. Lumabas na siya at bihis na bihis at ayos na ayos pa ang mukha niya. Sobrang pula ng labi niya. Nakakainis dahil kapag sa akin siya nakikipagkita, nakapambahay at halos hindi manlang siya nagpapaganda. Palibhasa’t alam niyang patay na patay ako sa kaniya. Maganda kasi ang isang ito at sobrang sexy. Sabihin man natin na hindi siya mayaman, pero nagustuhan ko pa rin siya dahil nang una, sobrang bait at sobrang okay niya. Pero hindi ko alam na ang isang ito ay may tinatago palang baho. Baka nga sa una pa lang ay niloloko na niya ako. Tang-ina, ang dami ko nang nagastos sa kaniya. Ang dami ko na ring nasayang na oras sa kaniya na dapat ay nagtatrabaho na lang ako para magkapera at makapag-ipon. Pakiramdam ko tuloy ay sayang lang ang mga araw na nilaan ko sa kaniya. Sobrang saya ko pa naman sa kaniya at inakala kong baka siya na ang pakasalan ko kaya naghahanap na rin ako ng maganda-gandang trabaho sa ngayon. Ngunit kung ‘di ko pa matuklasan na may iba pala siyang lalaki ay baka kahit mag-asawa na kami ay niloloko pa rin niya ako. Baka magpakasasa lang siya sa pera na ibibigay ko kapag may maganda na akong work. O baka makinabang din sa pera ko ang lalaking kabit niya. Marunong talaga ang diyos sa lahat. Talagang pinaalam niya sa ‘kin na niloloko lang ako ng Mia na ito para siguro magpursigi na ako sa buhay ko na abutin ang mga pangarap ko. Na hindi talaga ako para sa babaeng ‘yan dahil siya ang tinik sa buhay ko. Isa pa, mukhang need na ring operahan si Lola Igna sa puso kaya kailangan ko na ring mag-ipon. Hindi pa naman malala ang lagay niya, pero mainam na rin ‘yung may ipon ako para sa kaniya. May ipon naman na ako ngayon, kaya lang ay para ‘yun sa pag-a-apply ko ng trabaho. Naglakad na papunta sa isang liblib si Mia. Tahimik akong nakasunod sa kaniya. Habang tumatagal ay parang alam ko na kung saan siya patungo. Naiinis na agad ako dahil mukhang tama ang kutob ko. Bakit sa lahat ng magiging lalaki niya ay ang kaibigan ko pa. Sana mali ako. Kasi kung tama ang hinala ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang magagawa ko sa kaniya. Nagsalubong ang kilay ko nang kumatok na siya sa bahay ni Kevin na siyang matalik kong kaibigan. Bumukas ang pinto. Nakita ko ang topless na si Kevin na patingin-tingin sa paligid. “Wala bang tao sa paligid?” tanong pa ni Kevin na tila nag-iingat. Tang-ina talaga. Sila nga ang naglalandian. Siya nga ang lalaki ni Mia. Ang matalik ko pang kaibigan. Mukhang matagal na nila akong ginagago. Tang-ina ng dalawang ito. “Wala. Hindi ba’t sabi mo’y kanina pa umalis ang mga tao rito. Halika na at s*x na s*x na ako,” sabi ni Mia na siyang lalong kinainis ko. Dito ko na napatunayan na totoo ang binibintang sa kaniya na malandi talaga siya. Nasa pintuan pala sila pero dinadakma na ni Mia ang ari ni Kevin. Halatang sabik na sabik nang matikman si Kevin. Ngayon nakukuha ko na kung bakit kapag kasama ko si Mia sa isang event na magkakasama kami ng mga kaibigan kong lalaki ay sobrang close nila Kevin. Minsan, kahit napapansin ko na sila ay todo harutan pa sila. Akala ko ay close lang sila, ‘yun pala ay nagtitikiman na pala. Sabagay, nakikipag-s*x naman ako sa ibang babae kaya ‘di rin naman dapat na magmalinis ako. Kaya lang ay ‘di naman gaya nila na mukhang ilang beses nagtitikiman sa isang buwan. Ako, tuwing fiesta lang at isang beses lang ‘yun sa isang taon. Saka, lasing ako nun, eh sila ba? Normal at mukhang wild pa kung magtikiman. Alam din kaya ng jowa ni Kevin ito? Kung ‘di ay ‘yun na ang magiging ganti ko sa kaniya. Ang sirain din ang kung anong mayroon si Kevin. Ang alam ko ay mahal na mahal pa naman ni Kevin si Jennie. Seryosong-seryoso siya rito dahil bukod sa napakaganda nito ay flight attendant pa ito. Madalas nga lang wala si Jennie dahil sa trabaho nito. Kaya siguro nagagawa ni Keving makipag-s*x sa iba ay dahil sa madalas wala si Jennie. Tignan lang natin kung anong mangyari sa iyo kapag nakita na ni Jennie ang ginagawa mo. Dahan-dahan akong pumunta sa likod ng bahay ni Kevin. Sa likod ang kuwarto nito na kung saan ay mayroong bintana. Kabisado ko na ang kuwarto niya dahil madalas din kaming tumambay sa kuwarto nito kung minsan. May butas doon at sapat na ang butas na ‘yun para makuhanan ko sila ng video. Pagdating ko doon ay hinanda ko na ang phone ko. Kumulo agad ang dugo ko nang makita kong nakaluhod si Mia kay Kevin habang haplit ito sa pagdila sa naninigas nitong ari. Kapwa na silang hubu’t hubad. Tirik ang mata ni Kevin habang nakatingala pa ito. Doon ko na sila kinuhanan ng video. Ayaw ko mang gawin ito, pero deserve nila ang bigyan ng leksyon. Sapat na ang isang minutong video. Hindi na rin ako nagtagal dahil ‘di ko na rin kayang panuorin ang ginagawa nila. Habang paalis na ako roon ay hindi ko namamalayang tumutulo na ang mga luha ko. Bakit hindi ako maiiyak eh, sobra-sobra kong minahal ang babaeng ‘yun. Sobrang laki ng tingin ko sa kaniya dahil kapag nagba-bonding kami ay palagi niyang sinasabi sa akin ang gusto niyang maabot. Gusto niyang maging flight attentant at kapag nangyari raw ‘yun ay isasama niya ako sa mga pangarap niya. Siya naman daw ang magbibigay ng kahit anong gusto ko. Pero ang lahat ng ‘yun ay mukhang gawa-gawa lang niya dahil ‘di talaga flight attentant ang gusto niyang maging kundi p*kp*k pala dahil nagpapatikim siya sa kaibigan ko. Baka nga hindi lang kay Kevin eh. Baka sa iba rin. Ngayon ay nandidiri na ako sa kaniya. Grabe pa naman kung laplapin ko ang labi niya. Tang-ina, ang labi pala na madalas kong halikan ay kinakain madalas ang ari ng kaibigan ko. Pati sa sarili ko ay nandiri ako. Hindi ko napigilang dumura dahil sa nasaksihan ko kanina. Pagkauwi na pagkauwi ko sa farm ay gumawa na ako ng paraan para maipasa ang video nila kay Jennie. Deserve din ni Jennie na malaman ang tinatrabaho ng jowa niya. Para parehas na rin kaming makawala sa mga taong manloloko. Sa gagawin ko ay siguradong kapwa silang mag-uunahan sa pagpunta sa akin upang magpaliwanag at humingi ng tawad. Baka nga gumawa pa sila ng kuwento at hindi pa umamin. Ano man ang sabihin pa nila ay parehas na silang ekis sa buhay ko. At sigurado akong parehas din silang pupulutin sa kangkungan dahil alam kong parehas din silang walang ambisyon sa buhay. Mga palamunin lang sila sa bahay nila. Oras na para mag-level-up. Ibubuhos ko na lang ang lahat sa pag-abot ko sa mga pangarap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD