Lucio’s POV Sigaw ni Lola Igna ang gumising sa akin habang natutulog ako ng hapon na ‘yun. Dali-dali tuloy akong bumangon at tumakbo sa labas para tignan kung ano ang nangyari. Paglabas ko, nagtatalon na si Lola Igna habang hawak-hawak ang balat ng isang double L candy. “Bakit po?” tanong ko naman sa kaniya habang papungay-pungay pa ang mga mata. “Apo, nanalo tayo ng tricycle. Nanalo tayo dito sa candy na binili ko,” sabi niya habang patuloy na tumatalon. “Akala ko kung ano na. Kinabahan po ako sa inyo,” sagot ko habang nakahawak sa dibdib ko. Simula nang takutin ako ni Levi, hindi na mawala-wala sa isip ko ‘yung mga banta niya. Kanina, akala ko sumugod na siya rito at sinaktan na ang lola ko kaya nagsisisigaw ito. Mabuti at hindi pala. “Samahan mo ako, apo at ire-reedem natin ito.

