Lucio’s POV Halos paubos na ang alak nang tumumba na si Benjie. Wala siyang pagbabago, mahina talaga kahit kailan. “Ano, Benjie? Kaya pa ba?” “Ha?” “Kaya mo pa ba kako?” pag-uulit ko. “Ha?” “Wala, hindi mo na nga kaya. Nagpatulong na lang tuloy ako sa mga staff ko na buhatin siya at isakay sa tricycle, tutal ay malapit lang naman ang bahay niya rito. Nakakatawa dahil halos tatlo sa mga tauhan ko ang umalalay sa kaniya dahil sa kalasingan niya. ‘Yung feeling na ang lakas mong mag-ayang uminom, tapos ikaw pa ‘yung unang tutumba. Nakakatawa na lang talaga. Sayang ang natirang last bottle kaya kahit kalahati pa ito ay tinuloy ko pa rin ang pag-inom. Tama siya, minsan na lang kami makatikim ng alak kaya gayong may alak na sa harap ko, inumin at ubusin na. Nag-soundtrip na lang ako para

