Lucio’s POV “Lucio, ano na? Alas otso na ng umaga, ano’t narito ka pa?” tanong ni Lola Igna nang makita niya akong lumabas sa kubo ko. Bagong ligo ako at nakabihis ng pambahay lang. Na-miss ko tuloy ang ganitong damit. “Lola, pinag-absent po ako ngayon ni Miss Skyla,” sagot ko sa kaniya. “Talaga, naku mabuti naman. Dahil diyan makakapagpahinga ka tuloy.” Lumapit ako sa kaniya at saka ko siya hinila. Basa ang buhok niya at mukhang kakapolbo lang ng mukha. Mabuti at kakaligo lang niya. Ito na rin siguro ang time para maigala ko siya. Isasama ko siya sa aasikasuhin ko ngayong araw kaya malilibang ko siya. “Bakit ba? Saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya sa akin habang nakaakbay ako sa balikat niya. “Isasakay ko po kayo sa sasakyan ko. Ngayong araw kasi ay iisa-isahin nating pupuntahan an

