Skyla’s POV Kakamot-kamot ng ulo si Freya nang pasukin ako dito sa loob ng kuwarto ko. Gulo-gulo ang buhok, namumula ang mata, sira-sira pa ang makeup. Mukhang nang tawagan ko siya kaninang ala singko ng umaga ay nasa bar pa siya. Hindi na ako nagtaka kung bakit umalingasaw agad ang masang-sang na amoy ng alak sa buong silid ko. Lasing pa kasi ito. Mukha pa siyang p*kpok sa suot niya. Minsan, sobrang okay niyang panamit, pero minsan sobrang jologs. Sabagay, sa ganiyang pananamit niya ata nakukuha ang mga nilalandi niyang lalaki kaya ganiyan ang suotan niya kapag nagba-bar. Hindi na ako magtataka kung isang araw, makapulot na siya ng mga sakit sa lalaking tinitikman niya. “Sobrang aga mo namang tumawag? Anong emergency na naman ito, Skyla?” tanong niya. Kita sa mukha nito ang pagkairita s

