Lucio’s POV “Ang sabi ho ng doctor, sobrang galing niyo po. Kasi, ang bilis niyo lang naka-recover sa pagka-comatose,” sabi ko kay Lola Igna habang pinapakain ko siya ng prutas. “Ang sabihin mo, mabuti talaga ang panginoon dahil hindi niya ako pinabayaan. Alam niya kasing hindi mo rin kakayanin kapag nawala ako. Baka mabaliw ka,” sagot niya kaya mukhang magaling na nga talaga si Lola Igna. Sinubuan ko ulit siya ng orange. Pero pakiramdam ko, hindi naman siya na-comatose, natulog lang talaga siya. Kasi, sa mga palabas, kapag sinabing comatose, matagal bago magising. Kadalasan, hindi na rin nagigising at natutuluyan na. Ito kasing kay Lola Igna, sobrang bilis. Kung hindi ako naniniwala sa himala, baka ngayon maniwala na ako. Matapos kong pakainin si Lola Igna ay namahinga na muna ako. Na

