Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may isa nang munting anghel na nabubuhay sakin. Nakalabas na si Julio sa ospital, parang nakalutang pa rin ako sa langit at lagi kong hawak ang aking tiyan at kinakausap ang aking baby. Gulat din naman ang mga magulang ko dahil hindi pa daw nila ako nabebaby ng husto eh magkakaroon na ko. Inexplain na rin namin ang sitwasyon naming lima at hindi naman nila ako hinusgaan bagkus sinuportahan pa nila ako dahil masaya naman daw ako. Hindi lang nila alam kung gaano ako kasaya. Sinabi ko naman kina daddy, uncle Bruno at Yago ang tungkol sa aking magulang, syempre nagalit sila kay Tiana pero ayoko na siyang isipin pa dahil kasama ko ang tunay kong mga parents. Bago ako umuwi mula sa ospital, in-ultrasound muna ako at first time naming nakita ang am

