CRIZEEL'S POV Napatingin kami sa nagsalita, isang babae ang nakita namin na nakatayo medyo malayo samin may hawak siyang baril at nakatutok samin. "Sino siya?"Tanong ko kay Chena. "Siya si Rochell, pinsan ni Kyline"Sagot niya. "Sa tingin niyo ba basta nalang kayo makakaalis dito?" Seryosong sabi niya. Ano bang kailangan niya? "Tama nga ang hinala ko babaliktad ka Chena!" Sabi niya. "Katulad mong demonyo lang ang susunod sa kagustuhan mo!" Seryosong sabi ni Chena sa kaniya. "Kung ganon bakit mo ako sununod?"Tanong ni Rochell. "Oo aaminin ko nag padala ako sa takot kaya ako sumunod sa kagustuhan mo pero hindi iyon nagtagal, dahil yung takot na iyon ang naging dahilan para itama ko ang mga mali ko." Sumbat ni Chena. "Wow! Ano iyan drama? Dahil nandito sa harap mo ang KAIBIGAN mo?" N

