CRIZEEL'S POV Kanina pa wala si Flinn, nagpaalam lang siya na may bibilin pero ilang oras na wala pa rin siya. Kanina pa ako kinakabahan, di naman ako nagkape pero ang bilis ng heartbeat ko. Kabado talaga ako, "Ano???" nakarinig ako ng ingay sa kwarto nila Nanay. Nag aaway kaya sila? "Di mo tunay na anak si Flinn?" halos nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Di tunay na anak ni Tito si Flinn? Paano yon? "Anak siya ng isang businessman na si Grey Ortaleza." putcha. Ano? Ortaleza? Teka lang ha? Tatay ni Neil yun ah? "May isa siyang kapatid, si Neil Ortaleza. Ako ang tumayong tatay ni Flinn dahil isinumpa siya ng sarili niyang tatay. Dahil hindi natangap ni Grey na kumabit sa ibang lalaki ang Nanay ni Flinn. Di niya alam kong sa kanya talaga si Flinn o sa ibang lalaki ng Nanay ni Flinn. Isa

