"I am. Now, I want you to stop harassing my employee unless you have a valid reason to do so" ang pagdepensa sa akin ng boss ko. Natahimik ako at napatingin sa sahig. Alam kong naguguluhan na ang lahat sa eksena namin at kailangan kong magpaliwanag sa kanila. "He's my son." ang anunsyo ni papa. Napatingin ako sa kanya. "Am I? You just said that matagal niyo na akong kinalimutang anak niyo and now you claim being my father?" ang pagsumbat ko sa kanya dahil sa sama ng loob. "Ang labo niyo" "Your harassing your own son? " ang hindi makapaniwalang tanong ng boss ko. "You're harassing him because he is your son?" "You don't understand." ang depensa ni Papa. "Try me" ang tugon naman ng boss ko. Nanahimik si Papa at Christopher. Napatingin sa akin ang boss ko. "Carlo?" "Sir?" ang tanong ko

