Sinugod ni Trisha si Matt at pinaghahampas ng bag. Hindi pa rin tuluyang rumirihistro sa aking sistema ang mga konprontasyong nagaganap sa pagitan naming apat. Natauhan na lang ako nang marinig at masaksihan ang pagdapo ng palad ni Trisha sa pisngi ni Matt bago umalis. Tinapunan naman ni Aaron si Matt ng masamang tingin bago gayahin ang pagwawalk-out ni Trisha. Tahimik namang sinara ni Matt ang pinto at napatingin sa akin. Iniwas ko agad ang aking tingin at binitiwan ang kamay niya. Dumeretso siya sa sofa at umupo. Sinimulan niyang paglaruan si Milo. Napasandal naman ako sa pinto at napaupo. Isang buntong-hininga ang napakawalan ko. Nangyari na ang pinakakinakatakutan kong mangyari; ang madamay si Matt sa mga kamalasan ko sa buhay. Napatayo ako agad at hinawakan ang door knob. Bubuksan ko

