Kaagad niyang hinablot ang aking kamay na nakapatong sa aking tuhod at hinawakan ng mahigpit. Pagkatapos ay inangat niya para iapakita sa officemates namin. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa ginawa niya. Bumenta naman sa kanila ang kalokohan ni Matt. Binawi ko ang aking kamay at hindi na muling pinansin si Matt. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinagtritripan ngayon. "Hala ka, nagtampo na" si Jeric. "Ikaw kasi; linaglag mo" "Carlo" ang pagtawag niya sa aking atensyon pero hindi ko siya pinansin. "Carlo" "Ano?" "I Love You" ang tugon niya habang matamis na nakangiti. Napanganga ako sa narinig. Bumilis ang t***k ng aking puso. Matagal akong nakatitig sa kanya bago pumasok sa isip ko na nangangalaska na naman siya. "I Love You too" ang pagsakay ko sa kanya with matching

