CHAPTER 11: "Mateo...Trisha...excuse us for a while. Mag-uusap lang kaming dalawa" ang pagpapaalam ni Zed sa magnobyo. Tumango lang ang dalawa. Nakamasid na naman si Matt sa akin. "Carlo, shall we?" Napabuntong-hininga muna ako bago tumayo. Sana lang ay maging maayos ang pag-uusap namin at hindi kami humantong sa sapakan. Nagkakaroon kami ng iilang tampuhan pero hindi pa namin nasasaktan ang isa't-isa ng pisikal. Wala sa sarili kong sinundan siya. Bago kami tuluyang pumasok ng opisina niya ay binilinan muna niya ang manager na magpasok ng seventh heaven at brioche. "Sa tingin mo, madadaan mo ako sa ganun?" ang inis-inisan kong tanong sa kanya bago ako umupo sa sofa nang walang paalam. "Nagbabasakali lang naman ako" ang tugon niya. Naupo siya sa office chair niya at sumeryoso ang kanyan

