Napangiti ako sa pinapakita niyang kabutihan. Naging close kami dahil sabay kaming nag-apply sa kumpanya. Sabay din yung sched nung interview kaya nakakapag-usap kaming dalawa. Lalo pa kaming naging close nang natanggap kaming pareho at sa iisang department kami na-assign. Halos lahat ng officemates namin ay nayayabangan sa kanya. Palagi kasing seryoso ang itsura at hindi ngumingiti o tumatawa sa mga joke ng aming kasamahan. Tuwing office hours naman ay nakatutok lang ang kanyang atensyon sa monitor ng kanyang computer. Tatayo lang siya kapag kukuha ng kape o tubig; pupunta sa restroom o pinapatawag ng higher-ups namin. Ako at ako lang naman ang nakakakita sa soft side ni Matt. Well, crush ko rin naman siya,eh. 5’ 9 ang height kumpara kay Aaron na 6 feet pero ano man lang yung isang pulgadang deperensya? Gym buddy siya at twice a week siya kung magpunta sa gym para i-maintain ang maganda niyang katawan na obvious naman kahit na nakalong-sleeve polo siya. Gwapo siya at halos lahat ng mga babaeng officemate namin ay siya ang ultimate crush kaya naman sobrang insecure ng mga lalakeng officemates namin. Kung tutuusin ay magkaiba kami ng personality ni Matt; napakaout-going ko kasi and very well-spoken. Hindi lang ang mga officemate ko ang nagtataka kung bakit magokasundo kami ni Matt; ako rin.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa apartment niya. Sinusundan ko lang siya habang hila-hila ko ang aking maleta. Huminto kami sa harap ng isang pinto. Napabuntong-hininga muna siya bago binuksan ang pinto. Pumasok kaming dalawa. Gumala agad ang tingin ko, maganda ang interior; naglalaro sa pula, puti at gray ang color scheme ng disenyo.
“Carlo, pasensya ka na, ha? Medyo magulo ‘tong apartment nang nadatnan mo” ang paghingi niya ng paumanhin. Medyo makalat nga ang apartment niya. Nagsimula siyang magpulot ng mga nagkalat na damit sa sala. “Nagkaroon kasi kami ng celebration ng mga batchmate ko nung college, parang reunion. I’m really sorry”
“Okay lang, Matt. Ako nga ang dapat magsorry. Naabala tuloy kita.”
“No stress. I’m your homie” sabay ngiti niya. Madalang lang siya ngumiti kaya naman na-appreciate ko ang pagkakataong yun. Mas lalo ko siyang naging crush dahil sa ngiting yun. “Please, feel at home. Maupo ka muna rito and then, I’ll give you a nice tour.”
Pumuwesto ako sa gilid ng itim na sofa.
“So, paano mo nalaman na may affair na pala yung boyfriend at bestfriend mo?” ang tanong niya habang nagpupulot pa rin ng mga damit.
“Nahuli ko silang naghahalikan sa kitchen ng cafe ni Zed. Ayun, pinaamin ko silang dalawa. Eight long months; wala akong kaalam-alam.” ang tugon ko habang hinihimas ang sofa nang may mahawakan akong tela. Pinulot ko yun at tinignan; isang red boxer’s brief. Nanlaki ang mata ni Matt nang makita akong hawak-hawak ang personal niyang gamit.
“Sorry” ang muli niyang paghingi ng paumanhin pagkatapos kunin ang boxer’s brief mula sa kamay ko. Napaisip ako bigla kung anong klase ng celebration ang naganap kagabi at bakit nagkalat ang mga damit at underwear ni Matt sa sala. Ganun ba siya ka wild sa labas ng opisina? “It’s not how you think it is. Pinagtripan kasi nung mga yun yung closet ko. Nakainom kasi kaming lahat kaya kung anu-anong ginawa nila. I hope hindi ka naturn off sa akin.”
“Not at all, Matt” ang depensa ko. Kung tutuusin ay wala akong choice at wala akong karapatang mag-inarte. “Ako nga itong nahihiya sa’yo. Ikaw pa itong mag-aadjust para sa akin. Matt, thank you talaga. Alam kong hindi naman tayo ganun ka-close.”
“You’re welcome, Carlo. We’re colleagues and friends as well kaya walang kaso sa akin. And besides, kailangan ko rin ng mag-aasikaso sa akin.” ang pagpapaliwanag niya. “Asawa kung baga”
“Asawa?” ang natatawa kong pag-uulit sa huli niyang sinabi. “Alam kong alam mo na may pagkabading ako but I never expected you to say that. After all, it’s clear to everybody that straight ka. You could just say Personal Assistant, Alalay, Butler or the like.”
“Okay, fine. Personal Assistant it is” ang pagtatama niya. “Pero meron bang Personal Assistant na magluluto, maglilinis, aalagaan ako kapag may sakit, papatulugin, papakainin at higit sa lahat ay papaliguan ako.”