2

1673 Words
“HE’S DRUNK!” galit na bulalas ni Noah pagkasara na pagkasara niya sa pinto ng opisina ni Mathias. Hindi kaagad nag-angat ng ulo si Mathias mula sa ginagawa. It looked like he had tons of paperworks to do. Maayos na nakapatas ang lahat sa office desk nito. “Who is?” tanong ni Mathias habang isinasara ang isang folder. Tumingin na sa kanya ang chief, mukhang mahinahon ang ekspresyon ng mukha ngunit seryoso ang mga mata. The chief was not someone you can mess with. Sinikap kalmahin ni Noah ang nararamdamang galit at panggagalaiti. “Doctor Soriano. Pumasok siya sa loob ng OR na nakainom.” Tumigas ang ekspresyon ng mukha ni Mathias. Nakita ni Noah ang pagkuyom ng isang kamay nito. Halos wala sa loob na napatango siya. Iyon ang nais niyang reaksiyon na makita mula sa chief. “Seryosong akusasyon ang bagay na iyan sa kapwa anesthesiologist, Doctor Manzano. Do you have any proof?” Inilapag ni Noah sa mesa ni Chief Mendoza ang isang pirasong papel mula sa laboratory. Alam niya na unang-una nitong hihingin ang pruweba kaya bago magtungo sa opisina ng “principal” ay kinalap niya ang mga kailangang ebidensiya. Maituturing na malapit silang magkaibigan ngunit palaging patas si Mathias pagdating sa surgery department. Palagi nitong inaalam kung may basehan ang bawat akusasyon. Hindi rin naman gusto ni Noah na masira ang buhay ng kasamahang anesthesiologist kaya lang ay buhay ng pasyente ang hawak nila. Hindi niya maaaring isawalang-bahala ang mga ganoong bagay. Galit si Noah ngunit mayroon din naman siyang nararamdamang simpatya. Inabot ni Mathias ang papel at binasa. “Talk to me,” pormal nitong sabi. “Nilapitan ako ng isang resident noong nakaraang linggo. Sinabi niya sa akin ang hinala niya na nakainom si Doctor Soriano sa loob ng OR. He was droopy and his speech was a little slurred. The surgery was a routine surgery kaya hindi na nagsalita ang resident. She’s just a first year resident and every doctor in that OR outranked her. Natakot siyang mawala sa program. But this next particular surgery is not a routine. It involves a kid’s life. Hindi na nakatiis ang resident dahil siya ang nag-diagnose sa pasyente. She had been with the patient since day one. Alam mo naman kung paano nadi-drill sa mga intern at resident ang passion ni Andrew pagdating sa mga batang pasyente. Maraming ulit ko siyang tinanong kung sigurado siya sa nakita at hinala niya. She told me her father was a drunk.” Sandaling tumigil si Noah dahil naramdaman niya ang paninikip ng dibdib. “Alam niya sa unang tingin pa lang ang taong nakainom. Kabisado niya ang paraan ng pagkilos ng mga may alcohol sa sistema. So I observed. Idinahilan ko na interesado ako sa operasyon. I looked at Doctor Soriano the entire time. Yes, nakainom siya. Masasabi ko na hindi lang ako ang nakapansin, maging ang circulating nurse. Masyadong abala ang iba sa pasyente para makita ang nakita namin. Dahil buo ang tiwala ng mga surgeon at nurses sa gas man. Kampante silang gawin ang trabaho nila dahil nagtitiwala silang hindi pababayaan ng gas man ang pasyente. It was unacceptable. Pagkatapos ng operasyon, kaagad kong isinama si Doctor Soriano sa lab. Close proximity, I can smell the alcohol in him.” Hawak na ni Mathias ang resulta ng laboratory. Nakagawa pa sila ng eksena kanina sa loob ng lab ngunit siniguro ni Noah na siya ang mananalo. Nagkataasan sila ng boses, nagpalitan ng mura ngunit sa bandang huli ay nakuha pa rin niya ang kailangan. Maraming tao ang nag-iisip na madali ang trabaho nila bilang anesthesiologist. Iniisip ng marami na kumikita nang malaki sa pag-upo lang at pagbabasa ng magazine ang mga katulad niya habang may operasyon. Their job was more than complicated. They evaluate patients preoperatively. Dahil magkakaiba ang mga pasyente at reaksiyon ng mga ito sa anesthetic drugs, masusi ang paggawa ng mga plan for anesthesia. Masusi ang history-taking. They provided proper airway management. They also provided intraoperative diagnostic stabilization. Post-operatively, they provided proper pain managements. Surgery was a team sport. They consult with the surgical team. Maraming komplikasyon na maaaring mangyari sa loob ng operating room. Kailangang buo ang tiwala ng isa’t isa. Kailangang nasa tamang pag-iisip at disposisyon ang bawat isa. The patient deserved the very best from each member of the team. Nahilot ni Mathias ang sentido. “I’ll deal with this, ASAP.” “Don’t be too harsh,” sabi ni Noah kahit na kabisado na niya ang paraan ni Mathias. “Nang bahagyang mahimasmasan ay sinabi ni Doctor Soriano na may pinagdadaanan lang siya kaya bumabaling siya sa alak. His wife is cheating on him. Alam ko na hindi dapat isinasama ang mga personal na problema sa loob ng operating room. Alam ko na maling-mali siya, Mathias. Walang magandang puwedeng idepensa. Walang rason. But he had been a good anesthesiologist for the past years. Mas nauna pa siya sa akin dito. I sent him home. `Told him to sleep it off. Hindi mo siya makakausap nang matino. Sana lang ay hindi siya nagbubukas ng bote ng alak ngayon.” Noah was no longer angry. Medyo maselan na bagay lang sa kanya ang paglalasing kaya ganoon kasidhi ang kanyang reaksiyon. Pero ngayong nailabas na niya kahit na paano ang galit, ngayong nagawa na niya ang dapat gawin ay naaawa na siya sa kapwa anesthesiologist. Dr. Soriano was a good man. Hindi man sila masyadong malapit sa isa’t isa, alam naman niya ang bagay na iyon. Tumango si Mathias. “Alam na ba ni Andrew ang tungkol sa bagay na ito?” “Hindi. Hindi pa. Kaya ko nga pinauwi na si Doctor Soriano dahil nasisiguro kong makakarating ang bagay na ito kay Andrew at siguradong magkakagulo. Kilala mo naman iyon. Kaya ko rin ipinaalam na sa `yo kaagad para maiwasan nang mapalala pa ang bagay na ito.” “Thank you.” Tumango si Noah. “Okay. I have to be in the ICU. Ipaalam mo na lang sa akin kung ano ang nangyari.” “Makakaasa ka.” Patungo na si Noah sa pintuan at magpapaalam na sana nang magsalita uli si Mathias. “Isasama mo ba si Samantha sa pa-lunch nina Garrett at Johanna?” Napangiti si Noah, mas magaan na ang pakiramdam. “Pa-lunch? Iyon ba ang tawag nila sa overdue nilang wedding reception?” Ilang buwan nang kasal sina Garrett at Johanna. Malapit niyang kaibigan si Garrett at kabisadong-kabisado niya ang pagiging palikero nito. Halos lahat ay nagulat nang magseryoso ito sa nobyang scrub nurse at pinakasalan sa Las Vegas. Dahil naging abala ang dalawa pag-uwi sa Pilipinas at dahil nais ng bagong mag-asawa na maging magarbo at perpekto ang reception para sa pamilya at malalapit na kaibigan, bahagyang natagalan ang “pa-lunch” ng mag-asawa. Nakangiting tumango si Mathias. “So you’re bringing Sam?” Umiling si Noah. “We’re not together anymore, Mat.” Wala pa yatang isang linggo mula nang magkahiwalay silang dalawa ni Samantha, isang orthopedic surgeon. Mukhang hindi na nagulat si Mathias ngunit kitang-kita ni Noah ang pagkadismaya sa mukha nito. “Too bad. Aalukin ko pa naman sana siyang lumipat. We need a good ortho surgeon.” Mahusay ngang orthopedic surgeon si Samantha. Bahagya rin siyang nanghinayang na hindi makakapagtrabaho sa DRMMH ang dating nobya. She would be a good addition to the surgical team. Pinagtakhan din ni Noah kung bakit mas nanghinayang pa siya sa trabahong maiaambag ng dating nobya sa ospital kaysa sa relasyon nilang tinapos niya. “Kahit na alukin mo siya ng malaking professional fee, hindi siya magtatrabaho dito,” nakasisigurong sabi niya. “That bad?” May bahid ng panunudyo sa mga mata ng kaibigan. Sinupil ni Noah ang buntong-hininga na nais kumawala sa kanya. Halos nasisiguro na niya ang kasalukuyang tumatakbo sa isipan nito. “No, not that bad. Alam mo naman ang mga babae.” “What is wrong with her this time?” Ibinuka ni Noah ang bibig ngunit walang anumang katagang namutawi roon. Mukhang bahagyang ikinaaliw pa ni Mathias ang paghihintay sa kanyang tugon. Isinara niya ang bibig at tumikhim. Pilit niyang binuo sa kanyang isipan ang isang perpektong tugon. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na tinanong siya nang ganoon. Tumingin si Noah sa relong pambisig. “I really, really need to be in the ICU. Boyce needs my services. Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang tungkol sa personal kong buhay.” Habang nagsasalita ay nilalapitan niya ang pintuan. Pinihit niya pabukas ang doorknob. Tumango si Mathias. “Tama ka. Hindi ito ang tamang panahon. Go and help Boyce.” Nagpaalam na si Noah at lumabas ng opisina. Si Dr. Juan Cristobal Boyce ay isang surgeon-oncologist. Bago pa lang ang doktor sa kanilang ospital ngunit kaagad nila itong nakasundo. Kahit na maraming pagkakataon nang natanong si Noah kung ano ang mali sa mga naging relasyon o karelasyon, madalang siyang makasagot nang tama. “It’s complicated.” “Things fall apart sometimes.” “It just didn’t work.” Iyon ang mga standard niyang tugon dahil mas madalas kaysa sa hindi na hindi niya alam kung ano ang nangyaring mali sa pagitan niya at ng karelasyon. Kahit pa siya ang madalas na nakikipaghiwalay. Kagaya na lang ng relasyon niya kay Samantha. Samantha was a great girl. Hindi lang maganda at matangkad katulad ng isang modelo, matalino rin ang dating nobya. Mahusay sa pagiging siruhano. Maging si Mathias ay interesadong makuha ang serbisyo nito para sa DRMMH. Maalaga at malambing din. Galing sa isang kilalang pamilya. Wala na siyang hahanapin. Walang kapintasan kung tutuusin. Ngunit kinailangan pa rin niyang hiwalayan. Nakahanap pa rin siya ng rason para makipaghiwalay. Siguro ay siya ang may problema. Siya ang may depekto. “Bye, Cristine,” sabi niya sa sekretarya ni Mathias na akmang tatayo. Patungo marahil ang babae sa loob ng opisina ni Mathias. Magalang na ngumiti ang babae kagaya ng nakagawian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD