“HINDI n’yo na `ko kailangang ipagbalot ng pagkain, Ate, pero salamat,” nahihiyang sabi ni Cristina sa Ate Irene ni Noah. Nasa kusina silang dalawa at magkatulong na ibinabalot ang ilang pagkain na inihanda nito para talaga iuwi nila ni Noah. Magiging abala si Noah sa susunod na linggo kaya hindi ito magkakaroon ng pagkakataon na magluto. Ang mga pagkaing ibinabalot nila ay mai-stock sa lounge ng mga anesthesiologist. Ipinaghanda rin siya ni Ate Irene ng pagkain na paborito niya. Nasa family den ang iba nilang kasama. Walang duda na malapit si Noah sa mga pamangkin nito. Nang iwanan ni Cristina ang mga ito kanina ay nagkukulitan na parang mga bata. She loved seeing the carefree and childish Noah. Masuyo ang ngiting iginawad ni Ate Irene sa kanya. “Walang anuman. Kaligayahan ko na talaga

