18

1314 Words

Pinagmasdan ni Cristina si Noah habang inilalapag ng waiter ang dessert sa kanyang harap. Nasa isang tahimik na restaurant sila. Masarap ang kanilang naging hapunan. Kaswal nilang pinag-usapan ang mga susunod na mangyayari kay Norma. Hindi niya binalak na gawing hindi komportable ang mood sa pagitan nilang dalawa. Hindi nga niya malaman kung saan nanggaling ang kagustuhang linawin ang kanilang relasyon. Ibinuka niya ang bibig ngunit walang anumang kataga na namutawi. Malinaw sa kanyang isipan ang nais itanong, ang nais malaman. Hindi lang sapat ang lakas ng kanyang loob. Habang lumilipas ang bawat sandali ay mabilis na naglalaho ang lakas ng loob niya na magtanong. Naitanong niya sa sarili kung nais ba talaga niyang gawin ang bagay na iyon ngayon. Paano kung hindi niya makuha ang inaasam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD