“Come on, baby. Just open. It’s not gonna hurt you.” Nakagat ni Cristina ang ibabang labi habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Noah. Nabasa niya ang hamon sa mga mata nito na may kaunting bahid ng pagkaaliw. Hindi na niya maalala kung paano siya nalagay sa ganoong sitwasyon. Hindi rin malaman ni Cristina kung bakit nahihiya siya, kung bakit kinakabahan. “I’m not used to this,” sabi niya kay Noah, nahihiya. “I’m not... comfortable.” “Come on. Let’s do this. It’s going to be fun! You’ll be great.” Duda si Cristina sa mga sinasabi ni Noah. Hindi nga niya malaman kung saan nanggagaling ang lahat ng enthusiasm mula sa binata. “Sana ay hindi ko ito pagsisihan.” Binuksan niya ang naka-lock na pinto ng kanyang apartment. Iyon dapat ang bedroom dahil maluwag at may maliit na walk-in clos

