CHAPTER 26: SURPRISES BRIX (POV) "Dad?!", napatakip ako ng kumot ng makita si daddy na nakaupo sa silya sa loob ng kwarto ni Millete. "Yes it's me my son", then he smiled from ear to ear. "Ano'ng ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok dito?", hininaan ko ang boses ko dahil baka magising si Millete. "Melchora called me early this morning and she told me that you're here. Nag-inuman daw kayo kagabi. Masakit pa nga raw ang ulo niya kaninang tumawag siya sa akin eh", sagot niya. "Kailan pa kayo naging callmate ni nanay?" "After the wedding. Kailan mo pa siya tinawag na nanay?" "After ng inuman kagabi", sabay kaming tumawa. Napakatagal na yatang panahon mula noong nagtawanan at nagkwentuhan kami ni dad. Kadalasan ang mga bagay na pinag-uusapan namin ay tungkol sa negosyo. Sa tuwing nag-u

