CHAPTER 28: MAKING FIRE Alam ni Millete na wala naming sasabihing maganda sa kanya si Cindy kaya minabuti na lang niyang huwag itong pansinin. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lang siyang hinawakan nito sa kamay. “I’m so sorry sa mga ginawa ko sayo noon. I hope that we can still fix those misunderstanding. Masaya ako para sa inyo ni Brix”, binigyan pa siya nito ng isang matamis na ngiti ngunit hindi nito maiwasang magduda sa intension ng dalaga. Ang totoo nito ay nakita lamang niyang palabas ng opisina si Brix kasama si Kareena kaya hindi nito itinuloy ang binabalak. Lumapit ang mga ito sa kanila. “What’s going on here? Millete?”, pinakawalan ni Cindy ang kamay ni Millete. Niyakap siya ni Brix. Mahigpit ang pagkakayapos nila sa isa’t-isa. Hindi man nila sabihin ay h

