CHAPTER 11: NERD'S FAMILY Kinakabahan si Millete na uuwi ngayon. Hindi niya inakala na matutuloy pa ang kasal nila ni Brix at sa Sabado na ito. Hindi niya alam kung paano sisimulang sabihin sa kanyang ina at kapatid ang lahat. Hindi niya magawang ihakbang ang paa papasok sa pinto ng bahay nila. MILLETE (POV) "Lord God please guide me", panalangin ko bago buksan ang pinto ngunit bago ko pa ito mabukasan ay may nagbukas na nito. "Oh ate what's up! Nandyan ka na pala!", salubong ng boyish kong kapatid na si Lily. Hindi ako umimik. Hinawi ko siya sa pinto at diretso lang ako na pumasok sa loob. Umupo ako sa sofa. Malalim akong nag-isip. How will I going to start this pagdating ni nanay? "Lalim-laliman ang iniisip te. Mukhang suntok ang abot mo kay nanay pagdating da

