CHAPTER 13: BROKEN HEART "I insist, ihahatid ko na kayo sa inyo", pamimilit ni Mr. P sa pamilya ni Millete. "Hindi na kailangan may pamasahe naman ho kami", hindi alam kung positibo o negatibo ba ang sagot na iyon ni Tandang Sora. Sa tono ng boses niya ay malamang negatibo, kung tono lang talaga ang pagbabasehan. "Gusto ko lang mas makilala ang pamilya ng mapapangasawa ng anak ko", paliwanag ni Mr. P. "Mahirap lang ho kami pero hindi naman kami isang kahig isang tuka. Noong nabubuhay pa ang asawa ko ay talaga namang ginapang namin ang pag-aaral ni Millete. Ngayon si Lily na lang ang pinag-aaral ko sa kolehiyo. Huwag niyo lang hong iisipin na peperahan lang ng anak ko ang anak ninyo dahil kung hindi lang sila nagmamahalan at kung wala lang talagang nangyari sa kanila ay hindi ako makaka

