CHAPTER 17: TOUGH CHOICES Gulung-gulo ang isip ni Brix na umalis ng bahay. Maaari niyang masira ang mga salitang binitiwan kay Millete. BRIX (POV) FLASHBACK Early this morning..... Hindi pa rin ako makapaniwalang magkakaanak na ako. Dalawang araw na lang din ay ikakasal na ako. Napakabilis ng mga pangyayari. Kailangang simulan ko nang pag-aralan na mahalin si Millete lalo na ngayong magkakaanak na kami. Hindi ko na maituturing pa na kasalanan ang gabing iyon na nalasing ako dahil magbubunga na ito ng isang biyaya. Hindi ko na pwedeng isumbat kay Millete ang kung ano mang prinsipyong pinanghahawakan niya kaya pinipilit niya akong makasal sa kanya dahil ngayon ay may sapat ng dahilan upang kami ay ikasal. "Good morning hijo", papalapit sa akin si dad na may dalang tasa ng mainit na

