CHAPTER 19: WEDDING Maraming nangari pero limang araw lang pala ang lahat ng iyon. Sabado ngayon at araw ng pag-iisang dibdib nila Brix at Millete. Si Brix nga ba ang dadalo? Ang walang kamalay-malay na si Millete ay gumising ng buong galak. Ang mahalaga sa kanya ay ikakasal siya ngayong araw sa lalaking pinakamamahal niya. Ikakasal siya sa ama ng magiging anak niya. Ito ang araw na pinakahihintay ng isang babae, ang araw na haharap siya sa altar at makikipagpalitan ng sumpaan sa lalaking tinitibok ng kanyang puso. Hindi man lang pumasok sa isipan ni Millete na sa relasyong ito ay siya lang ang nagmamahal. Hindi iyon ang mahalaga dahil simula sa araw na ito ay gagawin niya ang lahat upang mahalin din siya ni Brix. Ipaparamdam niya rito na tama ang magpakasal sila. Maaga

