CHAPTER 21: ISLAND LONER MILLETE (POV) "Hindi ba nakakahiya sa daddy mo na umalis tayo sa hinanda niyang reception?", tanong ko kay Brix at upang kumbinsihin ko na rin siya na huwag na munang umalis. Hindi ba siya nakakaintindi, mamaya pa raw hindi ba pagkatapos ng reception. "Hayaan mo si dad, ginusto niya ito. For sure kinikilig na yun ngayon", ibang klase talaga ang lalaking ito hindi mapigilan ang gusto napaka-bossy. Pagbukas ng elevator sa itaas ay kaagad kaming lumabas at pumunta sa rooftop. Hinila niya akong muli. "Pwedeng huwag na tayong tumakbo? Buntis ako Brix at hindi naman siguro nila tayo pipigilan na makaalis dahil honeymoon natin ito", pakiusap ko sa kanya dahil akmang tatakbo na naman kami pataas. "Sorry pero kailangan kasi natin talagang magmadali",

