CHAPTER 1: MISS OUTCAST
Lumabas si Millete ng opisina ni Mr. P. Bilang CEO ng Brixian Clothing ay may sarili itong closed room. Paglabas niya, sabay sa pagsara ng pinto ay ang pagtingin sa kanya ng mga empleyado ng kumpanya. Tumigil ang approval ng mga design, ng mga textile na gagamitin as in lahat ay sa kanya lang nakatuon ang atensyon. Ito ang 2nd floor ng eight storey building ng Brixian kung saan pinag-uusapan ang lahat ng gagamitin ng clothing company sa kanilang mga collection, final approval department kung tawagin kaya malapit kay Mr. P.
Si Millete ay graduate ng fashion merchandising kaya focus siya sa business aspect ng kumpanya. More on sa never-ending strategies sila in order to maintain the top spot for th Brixian. Kailangan ng mga bagong ideas tulad ng sa kanya, ganoon ka-open ang line kaya naman hindi sila natitibag sa itaas. They cater all types of clothing from men to women.
MILLETE (POV)
Bakit kaya ganito makatingin ang mga ito, tanong ko sa sarili ko paglabas ko. Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng lumabas sa office ni Mr. P?
Sa sobrang tahimik ay rinig ng lahat ang maingay na takong na nagmumula sa naglalakad na babae. Napatingin ako sa kanya. Si Miss Cindy pala, ang head ko sa merchandising department. Nandito rin kami sa floor na ito para kaagad naming makita kung ano ang tamang strategy for a certain collection and designs.
"Millete Calanglang, who told you to enter that room?", kaya pala kanina pa nila ako tinitingnan bago pa man ako pumasok. Eh bakit naman kaya? May masama ba?
"Nobody told me, I just did it cause I need to talk to Mr. P", I said calmly. Hindi ako magpapaapekto sa katarayan ng head kong ito, ganito naman talaga siya sa akin eh.
Napabuntong-hininga siya. "Inggrata!", lalo pang natuon ang atensyon ng lahat, pati yata ang mga utility na naglilinis ay napatigil sa lakas ng pagkakasabi niya. "Only a head like me and other higher officials of this company can enter that room. Hindi ka ba marunong magbasa ng rules and regulations?", she said without even blinking. Masakit ang mga sinabi niya, wala naman siyang alam eh, syempre pa nabasa ko yun nuh.
"Of course I read that. I have a private business with him", pinipilit ko pa ring kumalma. Hindi ako pumapatol sa kahit na sino, ilag ako sa lahat ng tao maliban sa pamilya ko simula pa noong pagkabata ko. I am the nerd, the weird and the outcast. I don't even have any friend.
"Private business?!", lumingon pa siya sa mga cubicle kung saan nakadungaw ang mga usisero. "Ano'ng klaseng private business yan? Ano ba ang ino-offer mo kay Mr. P, ang katawan mo ba?", nagtawanan ang lahat. Napayuko naman ako sa kahihiyan. Naiiyak na ako, sobrang iyakin ko pa naman.
"I'm not that kind of woman", nakayuko kong tugon.
"Sa panlabas oo! Hindi ka talaga mukhang mag-ooffer ng katawan, you're so cheap, jologs, low-class pero walang ka-cheapan sa taong malandi! Alam mo hindi ko nga alam kung paano ka napunta sa mundo ng fashion gayong hindi mo naman alam ang salitang fashion", sobra akong napahiya sa sinabi niya. Wala siyang karapatang sabihin sa akin ito.
Alam ko namang wala akong fashion statement sa katawan dahil sa lagi akong nakapusod, pang-manang lagi ang outfit ko at nakasuot ako ng salamin. I really love fashion pero sadyang hindi ko lang ito mai-apply sa sarili ko. Hindi ko rin alam, dahil siguro sa hindi naman kami may kaya o dahil sa natutuwa lang talaga akong makakita ng magagandang babae na nakasuot ng magandang damit, it's more of the passion for fashion I guess. Kaya nga rin fashion merchandising ang kinuha ko dahil gusto ko lang ikalat ang fashion on the best way I can.
"I'm not a flirt ma'am. It's all because of Sir Brix", ayoko sanang sabihin sa kanya pero napapahiya na ako rito.
"Oh? What about my dearest Brix? Siya ba ang nilalandi mo?", naging seryoso ang hilatsa ng mukha nito.
"We will get marry soon", I looked at her eye-to-eye with my tears falling.
Natulala siya for a moment pagkatapos ay tumawa ng napakalakas. She laughs as if there is no tomorrow. She laughs to insult me. "Ikaw? Ikaw papakasalan ni Sir Brix? Ako nga na sobrang ganda na hindi pa niya pinapansin, ikaw pa kaya?! Pinapaasa niya lang ang mga babae pero wala siyang siniseryoso at pinapatulan. YOu're dreaming my dear!", pag-uuyam niya sa akin kasabay ng paghagod ng paningin niya mula ulo ko hanggang paa.
Iba ang pagkakakilala ko kay Brix kahit na isang linggo palang kaming magkakilala. He's right when he told me last night that I fall for him when the first time that we met.
FLASHBACK
This is the first day of my first work. I'm very happy because they hired me despite of my looks and a newlly graduate. There is no discrimination and I hope that it will last.
"Bro, hot chick!", may isang disenteng lalaking pumansin sa akin pagpasok ng lobby ng Brixian. Kasama ang isa pang lalaki ay lumapit sila sa akin.
"Miss ano'ng kailangan mo?", tanong ng isa.
"Nothing, I'm also an employee here", I answered quickly because I don't like how they look at me. Ngumiti lang ako ng pilit at akmang aalis na sana pero hinawakan ako ng isang lalaki sa aking braso.
"You're an employee here? Paano nangyari yun eh sa pormahan mong yan parang hindi ka naman yata bagay dito", akala ko pa naman nagustuhan nila ako, ibang klaseng pambabastos pala ang gagawin nila sa akin. Hindi ko na lang sila papansinin dahil sanay naman ako na ginaganito ako kahit pa ng mga lalaki. Walang sinumang lalaki ang nagtangkang manligaw sa akin dahil sa manang daw ako at weirdo pa.
Dadaan sana ako sa pagitan nila pero nagdikit sila para hindi ako makadaan. Sa iba na sana ako dadaan pero hinaharang nila ako.
"Bakit ka naman ganyan kinakausap ka pa namin eh", they are really harassing me, more of insulting me.
"Binabastos niyo ako eh", naiiyak kong sagot sa kanila.
"Hindi ka naman kabastos-bastos miss eh. Tinatanong ka lang namin baka pwede kang ligawan?", sabi ng isang lalaki.
"Sigurado kang liligawan mo yan? For sure gusto mo lang paluwagin ang ano nyan", sagot naman ng isa pang lalaki.
"Ayun na nga!", sabay silang tumawa ng malakas.
"Mga bastos!", at hindi ko na nga napigilang maiyak at mapayuko. Sobra kasi ang pagkabalat-sibuyas ko eh pero sobra rin naman kasi ang pambabastos nila sa akin.
"What's going on here?", isang lalaking may matipunong tinig ang tila nakapansin at papalapit sa amin.
"Ah sir wala po. Umiiyak po kasi si Miss Beautiful sir kaya nilapitan namin. Hindi ba Miss Beautiful?", pangungumbinsi nila sa lalaki at syempre pa ay nagsisinungaling sila.
"Hindi ka lang pala bastos sinungaling ka pa", hindi ko naman inaasahang pagtatanggol ako ng lalaking may matipunong tinig baka nga sumali pa siya sa pambabastos sa akin eh pero hindi ko na napigilang sabihin yun lalo pa't luhaan na ako rito.
Sa bilis ng mga pangyayari ay nagulat na lang ako na may sapakan na palang naganap. The two rude guys are lying on the floor wiping blood on their face.
"Don't you dare do anything bad on this lady or else hindi lang yan ang matitikman niyo", ako ba talaga ang pinagtanggol niya? Ako ba talaga ang huwag dapat kantiin ng mga yun dahil siya ang makakaharap?
"Yes sir!", nagmamadaling umalis ang dalawa. Takot na takot sila sa sir na ito. Hindi kaya boss ko rin siya?
"Are you okay?", humarap siya sa akin. At doon nagsimulang tumigil ang mundo ko. Hindi lang pala matipuno ang boses niya dahil matipunong lalaki pala siya talaga. His define jaw makes him so manly. His eyes speaks for himself that he's a tough guy. Maganda ang kanyang tindig at pananamit. Isama pa ang maganda niyang pangangatawan.
"Miss are you okay?", hindi ako nakasagot sa unang pagkakataon na tinanong niya ako kaya naman inulit niya ito.
"Ye-yes", at hindi ko natuloy ang pagsagot dahil sa bigla na lang niyang pinunasan ang mga luha sa aking pisngi gamit ang panyo niya.
"I'm Brix Pineda by the way. Are you an employee here?", iniabot niya ang kanyang kamay. Kanina pa ako natutuod sa kanya.
Iniabot ko naman ang aking kamay sa kanya, masyado na akong halata sa pagkatulala sa kanya eh. "Mi-Millete Calanglang. I'm a new staff on the fashion merchandising department", nauutal kong tugon.
"Your job and your department are equally important aspect of the business aside from the designers", nakangiti niyang sinabi na tanging ngiti lang din ang naisagot ko.
"Pagpasensyahan mo na nga pala ang mga lalaking yun may mga taong sadyang bastos. Heto ang panyo ko sayo na yan", at saka niya inabot ang panyo sa akin. Mas inilahad niya pa ang kamay niya dahil sa hindi ko ito kaagad inabot. Nakatingin lang ako sa kamay niya na may hawak na panyo. noong una. Pagkakuha ko ng panyo ay nadampi ang kamay ko sa kamay niya at muli ay tumigil ang mundo ko.
Umalis siya iniwan akong pinagmamasdan siya. Ang unang lalaki maliban sa aking ama na nagtanggol sa akin. Ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko, oo nagpatibok na nga kaagad dahil ngayon lang talaga nangyari sa akin yun after 20 years of my existence.
Lumipas ang unang linggo ng aking trabaho rito sa Brixian. Napansin kong ako lang ang nginingitian at binabati niya. Ilang araw din ang lumipas ng malaman kong boss ko pala siya at anak siya ng may-ari ng Brixian.
END OF FLASHBACK
"I don't expect you to believe me", patuloy lang ako sa pag-iyak.
"You know what? It's unbelievable! Hindi ka niya papatulan!", nanggagalaiting sagot nito.
"What's going on here?", isang pamilyar na boses. Iyon din ang mga katagang una kong narinig sa boses na yun.