CHAPTER 8: DEALS Naghintay si Brix sa sariling convenience store ng Brixian katapat ng sarili rin nitong cafeteria. Hinintay niyang lumabas sina Cindy at Jonard. BRIX (POV) "Sh*t! Antagal naman nila", mag-iisang oras na ako rito sa convenience store, nakatatlong chocolate bar na ako sa paghihintay. "Kahit isa lang sa inyo ang lumabas oh", bulong ko sa sarili ko. Napatayo naman ako bigla nang makita ko silang dalawa na lumabas sa cafeteria. Nakaakbay si Jonard kay Cindy.Sinundan ko silang dalawa. "Hindi ba maghihiwalay ang dalawang ito?", nakakainis naman eh, saan kaya sila pupunta? Pumasok sila sa storage room ng Brixian na narito rin sa floor na ito. May isang security na nakabantay doon. Naroon kasi ang ibang materials na ginagamit namin for the manufacturing of our clothes. Malam

