KINABUKASAN nga ay sinundo si Monday ni Dr. Mendez para dalhin siya sa hospital. Parang may naramdaman siyang deja vu dahil pakiramdam niya ay nangyari na sa kanya ang mga ganitong bagay at parang naulit lang lahat. Pagkatapos niyang magpa-laboratory ay nag pa-CT scan siya para mas ma-check daw ang ulo niya. Hinayaan lang niya si Dr. Mendez gawin kung ano ang dapat gawin sa kanya kung makakatulong naman iyon sa paggaling niya. Nalaman din niya mula rito na ang iniinom niyang gamot at hindi nagpapabuti sa kundisyon niya kundi nagpapapigil sa pagbalik ng ala-ala niya. Eksaktong tapos na siya sa lahat nang dumating si Calton sa clinic ni Dr. Mendez para sunduin siya. Pagkatapos bayaran lahat ng ginawa sa kanyang procedure ay inaya na siyang umalis ni Calton. "Saan mo gustong kumain?" tanon

