Chapter Fifty Six

2004 Words

"BAKIT nakabusangot yang mukha mo?" tanong sa kanya ni Elena habang nakaupo sila sa buhanginan. Pagabi na ng dumating ang mga ito "Pansin ko rin na hindi kayo nagpapansinan ni Calton. LQ ba kayo?" tanong pa nito. Nagbuntong-hininga siya at lumagok ng wine. "Wala lang ako sa mood na kausapin siya. Isa pa, ayoko siyang matitigan ng matagal. Umiinit lang ang ulo ko." "Luh siya. Kung makapagsalita ka naman para kang buntis," naiiling na sabi ni Elena. Natigilan siya at napaisip. Natigilan din si Rebecca nang makita ang naging reaksyon niya. "Hoy, babae. Sabihin mo nga sa'kin, gumagamit ba kayo ng proteksyon ni Calton kapag nagse-s*x kayo?" Marahan siyang umiling. "We never did." Nanlaki ang mga mata nito. "What?! Bakit hinayaan mo ng ganu'n?" "Wala sa isip ko," nakangiwi niyang sagot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD