HABANG nasa gitna sila ng pagkain ay dumating ang lalaking ayaw niyang makita. Makita niya lang ito nasisira na ang araw niya. "Mukhang nagkakasiyahan kayo," "Join us," anyaya ni Calton kay Jacen. "Ayos lang ba sa mga kasama niyo?" "Ayos lang naman diba, girls?" si Calton. No it's not okay. Ani ng isip niya. "Ayos lang sa amin," si Elena ang sumagot. Naupo si Jacen sa kaharap niyang upuan at titig na titig ito sa kanya. Masama niya itong tiningnan. "Stop looking at me like that," aniya kahit nasa tabi pa niya si Calton. Naiinis lang talaga siya sa pag-uugali ng lalaking ito. "May masama ba sa ginagawa ko?" painusenteng tanong nito. "Jacen," si Calton. "What? Hindi lang talaga ako makapaniwala hanggang sa ngayon na kamukhang kamukha niya si Lia," si Jacen. "Hindi ka ba nagtataka

