Nang natapos kong pakinggan ang kanta, dinelete ko na ito mula sa listahan ng aking CP. “Simula ngayon, bagong Alvin na ako. Kasabay sa pagpupumilit kong ituwid ang aking pagkatao ay babaguhin ko na rin ang aking pananaw. Magsisimula ako sa araw na ito. Dalawang bagay ang pagtutuunan ko ng pansin; ang aking pag-aaral, at ang paglimot sa nakaraan namin ni Kuya Andrei upang matupad ko ang pangarap ng itay... Hihiwalayan ko na rin si Brix. Maghahanap ako ng tamang tiyempo upang magawa ko ito.” Ang bulong ko sabay bitiwang isang malalim na buntong-hininga. Nang nakarating na ako sa siyudad, dali-dali akong bumili ng sim card. Tinext ko kaagad si Brix at ipinaalam sa kanya na nabago na ang numero ng aking cp. Naghanap na lang ako ng alibi, kesyo kinakain noon ang load. Ikinuwento ko rin sa ka

