Sunod-sunod ang mga masaklap na pangyayari sa aking buhay. Pagkatapos pumanaw ng aming mga magulang, pumanaw rin si Brix, nabihag si Kuya Andrei ng mga rebelde, at hayun, iniwan ako ni Angel. Para bang lahat ng kamalasan sa mundo ay sa akin ibinigay. Si Noah na lang ang natira kong kaibigan. Isang linggo ang lumipas matapos umalis si Angel, tinawagan ko uli ang headquarters nina Kuya Andrei. Ngunit wala pa rin silang balita. Halos araw-araw akong nagpafollow up ngunit ang sagot palagi sa akin ay wala silang update. Hinahanap pa nila ang pinagtataguan ng mga rebelde. Isang araw, pinatawag ako ng mga magulang ni Brix. “B-bakit kaya Noah?” ang tanong ko kay Noah. Siya kasi ang sumundo sa akin. “Hindi ko rin alam Kam. Wala silang sinabi sa akin.” Ang sagot lang ni Noah. Nang nakarating na k

