Ipinagpalit

7868 Words

Dali-dali kaming bumalik sa puntod ng aking mga magulang kung saan ay naroon si Lola Isyang at nagsisimula na sanang magdasal. “Lola Isyang… pasensya na po sa abala. P-pero may nabanggit po kayo kanina at gusto ko po lamang linawin kung tama nga ang aking narinig.” Ang sambit ko. “A-ano iyon, Alvin?” ang tanong niya, ang mga mata ay tila nagulat. “Nasabi niyo po na ‘…tandang-tanda ko pa ang ang matinding saya sa mukha ni Itang noong ibinalita ko sa kanya na isang napakakisig at napakalusog na batang lalaki ang iniluwal niya’. Tama po ba?” Nag-isip siya ng sandali. “I-iyan ba ang n-nasabi ko?” “Opo… at alam ko pong Itang ang tawag ng mga tao sa aking inay Pacita” sabay lingon ko kay Kuya Andrei na nanlaki rin ang mga mata sa narinig. “S-sino po ba ang nagluwal kay Kuya Andrei? Ang inay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD