Habang nakatingin ako sa ibang tauhan ni Von na nag-aayos ng ibang gamit na dala ko sa likod ng kotse hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapatingin sa kamay nitong may malaking paso pero magaling na ito siguro ito ang marka ng paso. Aalis kasi kami ngayo ni Von at may pupuntahan lang kami at medyo nagpahinga din naman kasi kami sa trabaho at pagsasanay dahil sunod-sunod ang naging training ko at dami din namang inaasikaso si Von kaya ngayon inaya ko siyang umalis muna at babalik nalang kami mamaya at mabuti naman pumayag na siya. Sa dami ba naman ng kanyang ginagawa mabuti pa at nagkakaroon kami ng oras na dalawa kaya ngayon niyaya ko siya na lumabas muna kaming dalawa iyong kaming dalaw lang dahil kaya ko namang lumaban at kung ano man nag mangyari matutulungan ko naman siya at mas la

