Kagat ko ang labi ko habang nakatingin sa akin ang mga alipores ni Sabrina at ng kanyang ama habang ang ibang tauhan naman ni Von ay nakapalibot sa akin at mukhang handa silang saluhin ang bala kapag binarel ako dito. Hindi naman ako papayag na mamatay sila sa harapan ko at isa pa ako ang may pakana ng kahayupan ko kanina kay Sabrina at ayaw kung may mawalang buhay dahil sa akin, hindi ko lang napapansin pero nakukuha kuna ang ugali ni Von at kung paano siya gumalaw. Sa ilang buwan na pagsasama namin ni Von at nakilala ko siya habang nalalaman ko ang ugali ng lalaking iyon. Inilibot ko ang aking tingin sa buong lugar at kaagad naman silang napatingin sa akin ng gumalaw ako at hindi naman ako pinigilan ng ibang tauhan ni Von bagkus ay tinignan lang nila ako kung anong galaw ang aking gagawi

