Ilang putok pa ang aking narinig at sigaw ng mga kalaban na hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng mga tauhan ni Von, alam kung mahirap talaga kalabanin ang mga tauhan ni Von dahil sa batak na batak sila sa training at hindi ko alam kung ano ang ginagawa sa kanila ni Von kung bakit sila naging ganito. Habang nakasandal ako sa kotse at ilang bala na ng barel ang aking narinig at hindi ako natatamaan dahil sa iniingatan naman ako ng kanyang mga tauhan at kung buhay man nila ang magiging kapalit ng aking kaligtasan wala silang pakialam. Akmang kukunin ko ang barel sa aking tagiliran sabay baba ng katana na hawak ko mabilis akung pinigilan ng isang tauhan ni Von at umiling sa akin, sabi nila sa akin kanina kung magagawa nilang huwag munang madungisan ang aking kamay ng dugo huwag muna ngayon

