**** Nang mahatid ko sila sa condo ko. Nanatili muna ako kasama sila, dahil hindi nila ako pinaalis hangga't hindi ako kumakain ng niluto nila. Kahit sabihin ko na busog ako ayaw nila ako pakawalan. Masaya sila dahil tinulungan ko sila, sinabi ko din sa kanila na ako ang may nagbigay ng pera at tumawag ng parak. "Alam mo? Masaya ako kasi tinulungan mo kami. Tama si Lizzy mabait ang ate niya kahit tahimik ito," umiiyak na wika ni Abby. Ngumiti ako at inabutan ito ng tissue. "Maraming salamat Attorney! Sobrang salamat po habang buhay po namin itong tatanawin na utang na loob!" wika ulit nito. She's so sweet, ngayon hindi ko na alam kung sino ba ang nagsasabi talaga ng totoo. Ngunit hindi pa tapos dahil meron pa si Samuel Yu. "Wala 'yun basta ipangako niyo sa'kin na aayusin nyo na ang b

