Chapter 21 Yanna's Pov Araw na ng lunes lalabas na ako sa ospital. Dinahan dahan na ni nanay mag ligpit sa mga gamit namin sa loob ng kwarto. Nakabihis na din ako habang nagliligpit ng ibang gamit si nanay Clara. “Nay saan kaya ako magtrabaho nito pag okay na ako?” Malumanay kong tanong kay nanay “ Ano ka ba anak wag mo munang isip yan. Ang isipin ang pagpapagaling mo muna anak.” Wika ni nanay sa akin. “Nay, importante yun sa akin nay kaya na problema ako kahit hindi pa ako gumagaling nay.” Malungkot kong sabi. Biglang may kumatok sa pinto saka pumasok. “Magandang umaga sa inyo.” Bati ni sir David sa amin. “Sa wakas Paloma makakalabas ka na din dito.” Wika ni sir David sa akin “ Oo nga po sir dalawang araw nga lang nababagot na ako dito. Namimis ko ng maglakad lakad sa kalsada uli

