Chapter 23 Paloma's Pov Lumipas ang isang buwan. “O anak saan ka ba pupunta? At bakit naka bihis ka ng panlakad?” Tanong ni nanay sa akin. “Nay maghahanap na po ako ng trabaho. Ayaw naman po tumunganga dito sa bahay na hindi po tutulong sa inyo.” Wika ko sa kanya. “ Anak pwede ka naman hindi na nga muna magtrabaho at saka hindi ka namin inuubliga Paloma. Okay naman pamumuhay natin nakakakain naman tayo ng sapat anak kaya pumirme ka muna dito.” Wika ni nanay sa akin. “Nay kilala nyo naman po ako gusto ko talagang mag trabaho. Gusto kong tumulong din kay tatay sa pagtrabaho.” Paliwanag ko kay nanay . “Anak maghintay ka lang. Diba sinabihan ka naman ni sir David may mapapasukan kang trabaho diba? Kaya anak maghintay ka lang saglit maibibigay din yun trabahong gusto mo.” Paliwanag ni na

